Chapter 6

27 0 0
                                    


Isang oras nang pabalik-balik ang tingin niya sa kisame at sa katabi niyang lalaki na mahimbing na natutulog.

"Anong ginawa mo Christelle Ramona?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa maamong mukha ng dating kasintahan. Habang nakatitig siya sa nahihimbing nitong mukha ay hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong mukha. Kasabay ng pagdampi ng kamay niya sa mukha nito ay binaha siya ng ala-ala nung una silang naging isa.

Flashback....

"I didn't know na ang class president namin ay umiinom pala." tinapunan niya ng tingin ang nagsalita. Kung normal na sitwasyon ito ay baka natatarantang tumakbo na siya pero hindi eh masyadong masakit ang nararamdaman niya kaya wala na siyang pakialam.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-inom ng alak hoping na makaramdam ito na ayaw niya ng kausap at umalis ito, pero hindi yata ito marunong makaramdam dahil umupo pa ito sa katabing inuupuan niya at saka siya inakbayan.

"May problema ba pres?" everyone in her class calls her pres dahil sa siya daw ang president ng class kahit na ilang ulit niya na silang sinasabihan na Chris nalang o kaya Ramona sadyang makukulit sila kaya hinayaan niya nalang na kalaunan ay nakasanayan na lang din.

Because there's a hint of worry in his voice she decided to answer him and ask him at the same time. "Wala naman bakit?"

"Liar, I can see it in your eyes." napatingin siya dito sa gulat dahil sa pagiging seryoso ng boses nito.

"Naloko ka na ba ng isang tao?" naniningkit ang matang tinitigan niya ito habang malalim na nag-iisip ng isasagot nito.

"Hindi pa, siguro kaya ka umiinom ay dahil naloko ka?" napangiti siya ng mapait dahil sa naging tanong nito.

"Oo eh my boyfriend cheated on me with my best friend." pagkatapos sumagot ay tinungga niya ang natitirang laman ng boteng hawak niya at saka siya tumayo para lisanin ang lugar.

Nang malapit na siya sa pintuan ng bar na pinag-inuman niya ay may mahigpit na kamay ang humawak sa braso niya.

Inis na nilingon niya ito at balak na sanang bulyawan ng makitang ang bouncer ng bar ang pumigil sa pag-alis niya saka lang din niya napagtanto na hindi pa pala siya nakakapagbayad.

Napapahiyang ngumiti siya sa bouncer at plano na sanang dumukot ng pera sa bulsa ng dress na suot niya ng may nagsalita malapit sa kanila na nagpatigil sa pag-galaw niya pati sa paghinga niya.

"Sir ito yung bayad ng girlfriend ko, you can keep the change and please let my girlfriend go seloso ako." mabilis na tumalima ang bouncer sa sinabi ni Roberto kaagad siya nitong binitawan kaya naman madali na para kay Roberto ang kaladkarin siya palabas ng bar.

Nang makalabas sa bar ay kaagad siyang ipinasok nito sa nakaparadang sasakyan na mukhang pag-aari nito.
"What am I doing here?" tanong niya ng matauhan siya mula sa pagkakatulala.

"Claiming what is mine." ma-otoridad na sagot nito at saka walang pakundangan na nilamukos ng halik ang labi niya.

"S-Stop!" pigil niya sa ginagawa nito pero sadyang matigas ang lalaki.

"P-please..." magkakasunod na tumulo ang luha niya habang patuloy siya sa panlalaban pero hindi siya nito pinakinggan kaya wala na siyang magawa kundi ang humagulhol.

Dahan-dahang tumigil ang kamay niya mula sa panlalaban at parang lantang gulay na bumagsak sa gilid niya.

Para namang natauhan ito sa ginagawa ng makita ang umaalog niyang balikat dahil sa pag-iyak.

"I'm sorry Stelle, I really am sorry." niyakap siya nito ng mahigpit habang paulit-ulit sa paghingi ng tawad.

"Ba...bakit Roberto?" sisigok-sigok na tanong niya habang bakas pa din ang matinding pag-iyak.

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon