Chapter 69

9 0 0
                                    

"Let's talk about the merger of the company!" sa sinabi ko ay pansamantalang natahimik ang mga tao sa loob ng conference room na kalaunan ay nagbago din dahil nagkanya-kanya na ng saloobin ang mga nasa loob. Mayroong mga sang-ayon sa sinabi ko kagaya nalang ni Kletz.

"That's a good idea, mas mag-eexpand ang company maging ang nasasakupan nito." sambit ni Kletz na sinang-ayunan nina De Vera at Vozta.

"Sang-ayon din ako kasi makakatulong ito na mapigilan ang pagbagsak ng mga company dahil sa issue na kinakaharap natin." Katulad ni Kletz ay sumang-ayon din si Soriano, isa sa mga matanda at matagal ng investor sa company ko.

Pero kung mayroong sang-ayon meron din naman yung masyado ang ginagawang pagtutol na akala mo ba ay nakataya na ang mga buhay nila kagaya nalang si Bolivia na isa sa mga investor ko.

"Totoo naman na makakatulong ito para mapigilan ang pagbagsak ng company pero may downside pa din ang merger na gusto niyong mangyari dahil maguguluhan ang tao lalo na ang mga matagal na nating clients kung paano ang profit nila ngayon dalawa na ang magiging may-ari." pagbibigay ng opinyon ni Bolivia.

May point naman ang sinabi nito pero kung iisipin ay mag-asawa na kami ni Christelle kaya hindi na mahirap kung maghahati kaming dalawa sa kita at buo ang matatanggap ng mga investor.

"I understand your sentiment pero kung iisipin mo mas lalaki ang magiging capital ng company dahil hindi nalang pera natin sa RBL ang iikot maging ang pera ng CRDL ay iikot nadin, magiging isang circle nalang ang gagalawan ng mga perang in-invest niyo." sagot ko dito. Mariing nakatitig sa'kin si Bolivia at habang nagsasalita ako ay tumatango-tango ito.

"Malaki ang company na CRDL hindi ba't parang nakikisakay lang ang kumpanya ninyo sa kumpanya namin?" puno ng pang-iinsultong tanong ni Gilomino Rustan.

Tumitig ako dito at naalala ko ang ginawa ng anak nito kaya nagpaplano kaming mag-merge ng company ni Christelle.

Handa na akong sumagot sa tinanong nito pero napigilan ako ng sumenyas sa'kin si Lucas bago magsalita kaya nanahimik nalang ako.

"Mr. Rustan, you've been in this indistry for a decades pero mukhang hindi mo pa alam ang kalakaran sa negosyo?" ganting insulto ni Lucas.

Nagngitngit ang panga ni Gilomino Rustan pagkarinig sa tinuran ni Lucas.

"Mukhang hindi mo yata naiintindihan kid, ang negosyo ay pinag-iisipang maigi kaya huwag kang basta nalang sumasabat lalo na kung wala ka namang alam." hindi nagustuhan ni Gilomino Rustan ang ginawang pagsasalita ni Lucas kaya naman nagsalita ulit ito ng hindi maganda.

Hindi ko alam kung gusto na ba ni Rustan na matapos ang buhay niya o ano, kasi sa nakikita ko kay Lucas ngayon ay handa na siyang lamunin ng buo si Rustan.

"Mr. Rustan, I just wanted to remind you about the saying, don't judge the book by it's cover." Lucas just simply said.

Gilomino Rustan scoffed.

"What about that sayings, you think you can scare me with that?" puno ng kumpyansa na ani nito at saka nginisihan si Lucas.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now