Chapter 65

13 0 0
                                    

Premiere Medical Center

Lucas point of view

"Hey!" bati ko sa pinsan ni Roberto na abala sa cellphone nito.

"Hey! Kanina ka pa?" sandali lang ako nitong binalingan ng tingin at muli na namang bumalik sa cellphone nito.

Napasimangot ako at saka mabagal na naglakad at naupo sa tabi nito. "You look tired."

Humilig ito sa balikat ko at saka ngumiti. "Kagabi pa kami walang maayos na tulog dahil kay Christelle."

"Kumusta na nga pala siya?" I ask while wrapping my arm around her shoulder.

"I have no idea kanina pa sila hindi lumalabas."

"Sanc, wanna grab a co...f...fee?" hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mukha ni Roana habang nakatingin sa'ming dalawa ni Sancia. Mukha kasi itong matatae na ewan.

"Cousin, you look constipated!" yung pinipigilan kong tawa ay kumawala na dahil sa tanong ni Sancia, kaagad naman bumagsak ang masamang tingin ni Roana sa'kin kaya napahinto ako sa pagtawa and it was Sancia's turn to laugh at me.

"Stop laughing at me." I whispered dangerously. Napatigil ito sa pagtawa at magkakasunod na napalunok.

"Wow! May kinatatakutan pala ang isang high and mighty na Lieutenant Sancia Smith!" it's not a question, it's more like an exclaimed.

Hindi ko pinansin ang tinuran ni Roana sa halip ay binalingan ko si Sancia para tignan ang expression nito.

Kita ko ang masamang tingin na pinupukol nito sa pinsan pero ang ikinatataba ng puso ko ay ang pamumula ng buong mukha ni Sancia.

"Why are you blushing?" I wrapped my other arm around her waist.

"You guys are disgusting!" Bulalas ni Roana at saka nagdadabog na naglakad paalis.

"Is your cousin okay?" tanong ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ni Roana.

"Okay lang yun, hindi lang siya sanay na may kasama akong lalaki." nakaisip naman ako ng kalokohan. Nang-aakit na niyakap ko ito at ipinatong ang baba ko sa balikat nito.

"Ikaw kasi gusto mo akong itago parati, ayan tuloy nagugulat sila na may nakakapit sa'yong gwapo." Pang-aasar ko.

Pinalo ako nito sa braso. "Ako pa daw!? Eh ikaw nga ang laging missing in action!" Binalik nito sa'kin ang sisi.

"Ayaw mo kase akong makasama lagi, mas gusto mo pang kasama ang mga baril." Nagtatampong tugon ko.

"Stop that hon, that so gross!" Nandidiring ani nito pero nakapiga naman sa ilong ko at isa lang ang ibig sabihin nun, kinikilig ito. Isa iyan sa napansin ko kay Sancia kapag kinikilig ito it's either papaluin, kukurutin or pipigain ako nito ewan ko nga ba kung bakit ganon, mannerism na yata nito iyon.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now