Chapter 35

18 0 0
                                    

"WOW WHAT A CELEBRATION, LATE NA BA AKO SA PARTY?" Everyone stop in their tracks because of the sudden voice that boomed around the hall.

"Clarisse what are you doing here?!" Roberto hissed and walked towards her just to grab and pulled her outside the hall.

"EVERYONE!" pag-aagaw ng pansin ni Sancia. "Ipagpatuloy lang po natin ang masayang pagkain at mamaya ay muli tayong magkakaroon ng games." Sancia announced at hinila din ako palabas ng hall para sundan si Clarisse at Roberto.

"What the heck is this Roberto?!" galit na tanong ni Sancia ng makalabas kami ng hall at maabutan namin ang dalawa na masama ang tingin sa isa't-isa.

"Roberto, what happened?" I ask and two pair of eyes sets into me.

"YOU SLUT!" Hindi ko napigilan ang pagsugod ni Clarisse kaya naman natagpuan ko nalang ang sarili ko na nalupagi sa sahig at namimilipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatulak nito.

"CHRISTELLE!" "PAK!" magkasabay na narinig ko ang sigaw at lagapak ng kamay pero hindi ko na alam kung sino sa dalawa ang gumawa nun dahil nakafocus nalang ako sa kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko para mawala ang sakit.

"Baby?" mabilis akong dinaluhan ni Roberto pero hindi ko ito pinansin dahil napako na ang paningin ko sa pulang likido na dumadaloy ngayon sa hita ko.

"R-Roberto." gamit ang nanginginig na boses ay tinawag ko ang pangalan nito at natatakot ko itong tinitigan. Nakita ko kung paano namutla ang mukha ni Roberto pagkakita sa dugo.

"MOMMY!!" sigaw nito at naramdaman ko itong binuhat ako bago magdilim ang lahat.

Third Person Point of View

Nagkakagulo ang lahat sa labas ng hall kapwa may kanya-kanyang nararamdaman na takot, awa at galit ang bawat taong naroroon.

Masamang tingin ang ipinukol ni Rosalie sa dalagang hawak ni Sancia. "Hayop ka! Kapag may nangyaring masama sa apo ko ay malalagot ka sa batas!" ibayong galit ang nararamdaman ng ginang dahil sa maaaring kapahamakan na kaharapin ng manugang niya at ng apo niya. Kahit na hindi pa kasal ito at ang anak ay mahal na kaagad niya ang dalaga at ang makitang nasasaktan ito ay hindi niya kayang tanggapin.

"Sancia don't leave until that girl is in jail." ani ni Rosalie at nagsimula ng maglakad palabas ng lugar.

"I'll follow you as soon as I'm done with this frick." Sagot ni Sancia at mas hinigpitan ang paghawak sa braso ni Clarisse.

"Aren't you scared of me? Mag-isa ka nalang ngayon." tumaas ang kilay ni Sancia sa sinabi ni Clarisse na may halong pagbabanta.

Lihim na napangisi si Sancia at nanatiling tahimik pero sa isip ng dalaga ay humahalakhak na ito sa kasiyahan. Scared? There's no way!

"Inspector Sancia! Pasensya na at na-late kami." kaagad si Sancia na sumaludo sa bagong dating na pulis.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now