Chapter 57

5 0 0
                                    

Metro General Hospital

"Calm down bro, she's gonna be fine!"

"Calm down? How can I do that bro when she's here unconscious and bleeding out!?" Hindi ko plano ang sigawan si Vozta dahil una sa lahat ay kaibigan ko ito at we've been thru a lot pero sadyang hindi ko lang maiwasan na mag-alala sa mag-ina ko.

"I understand that you are worried but she's gonna be fine." tinapik nito ang balikat ko at inalalayan akong umupo sa lounge.

"You don't understand bro, they're my everything, I can't lose them." nakakahiya man pero hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa sobrang pag-aalalang nararamdaman ko ngayon.

"You're not gonna lose them, remember when you ask me to look after her?" napaisip ako at saka ko lang naalala na ang dahilan kung bakit nasa CRDL si Vozta ay dahil yun sa'kin.

Tumango ako

"Nagtaka nga ako nung time na yun kung bakit gusto mo siyang pabantayan e napakatapang na tao ni Christelle at napakalakas niya, kaya huwag kang mag-alala dahil walang mangyayaring masama sa kanila." somehow gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Vozta.

Tumayo ako at muling sumilip sa room na pinagdalahan kay Christelle ng bigla ay nakita ko si De Vera na humahangos na umupo sa lounge na pinanggalingan ko.

Kaagad akong lumapit dito para tanungin ang nangyari sa pinagawa ko dito. "Nahanap mo ba siya?"

Huminga ito ng malalim bago magkakasunod na umiling.

Parang may bulkan sa loob ko na gustong sumabog. "DAMN IT!" sigaw ko at nagtinginan ang mga taong kagaya namin ay naghihintay din sa waiting area.

Natahimik ang mga kasama ko because of my sudden outburst at bigla naman akong kinapitan ng hiya kaya humingi ako ng paumanhin. Bumalik ang iba sa kanilang ginagawa pero nanatiling tahimik ang mga kasama ko.

"Pasensya na kayo, nag-aalala lang talaga ako sa mag-ina ko." hinging-paumanhin ko. Kaagad na sumilay ang mga ngisi ng kaibigan ko at saka ako nilapitan para tapikin.

"Don't worry bud hahanapin namin si Glacier." kakaibang galit ang umusbong sa dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya akong tumayo.

"Bantayan niyo muna si Christelle." pagpapaalam ko at saka ako tumalikod.

"Where are you going man?" tanong ni Casper.

Tumingin ako dito bago ako muling tumalikod at naglakad palabas ng hospital. Pagdating ko sa labas ng hospital ay tinawagan ko si Lucas para sabihin ang nangyari kay Christelle at as usual galit na galit ito. Sinabi nito na papunta na siya sa hospital pero sinabihan ko ito na magkita nalang kami sa bahay ni Glacier.

 Pagdating ko sa bahay ni Glacier ay hindi muna ako gumawa ng hakbang hinintay ko muna si Lucas pero umabot na ng kalahating oras wala pa rin ang gago.

"Hello, nasaan ka na ba!?" Inis na tanong ko ng sagutin nito ang tawag.

"Bro ikaw ang nasaan na, kanina pa ako nandito!" Magkakasunod akong napamura matapos marinig ang sinabi nito.

Pinatay ko ang tawag bago ko iginala ang tingin ko sa paligid at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang kotse nito.

Wala na akong inaksayang oras kaagad na akong pumasok sa loob ng bakuran ng mga Rustan, good thing at naiwan na bukas ang gate, kagagawan siguro iyon ni Lucas.

Katulad sa gate ay bukas din ang pinto ng bahay ni Glacier kaya naman nagdire-diretso lang ako ng pasok at mula sa pintuan ay nakita ko si Lucas at Glacier na seryosong nakatingin sa isa't-isa.

"Late na ba ako?" Agaw ko sa pansin ng dalawa. Sumilay ang ngiti sa labi ni Glacier pagkarinig sa boses ko, kaagad din na lumipat ang tingin nito sa'kin at excited na tumayo para lapitan ako pero nanatili akong nakatayo habang nakapako ang titig ko kay Lucas na nakakuyom ang mga kamao.

"Sakto lang naman ang dating mo." Ani ni Lucas at dahan-dahang tumayo at pumwesto sa likuran ni Glacier.

Sinusundan ko ng tingin si Lucas at pilit kong binabasa ang kilos nito pero wala akong makuhang hint.

"You know what I hate the most?" Idinikit ni Lucas ang mukha sa gilid ng mukha ni Glacier bago bumulong.

Gulat na bumaling si Glacier dito pero wrong move dahil lumilipad na kamao ang sumalubong dito.

"What the heck!?" Sigaw ko habang nakangangang nakatingin sa walang malay na si Glacier.

"Let's go to the hospital!" Ngumisi si Lucas at tinalikuran na ako.

"Wait!" Sigaw ko at nagtatakang tumingin sa'kin si Lucas pero turn ko naman ngayon ang ngumisi bago sinampal ng malakas si Glacier at saka tumalikod.

Habang naglalakad kami palabas ng bahay ay pinag-usapan namin ang mga possibilities.

Sa ginawa ni Lucas ay pwede siyang kasuhan ni Glacier kaya naman sinaktan ko din ito para incase na magsampa ito ng kaso ay hindi lang si Lucas ang malalagay sa alanganin.

"Let's go!" Tumango ako sa sinabi nito at dumiretso na sa kotse ko, bahala na bukas kung ano ang mangyayari pagkagising ni Glacier.

After an hour nakarating ako sa hospital kung kanina ay mag-isa akong naglakad palabas ng hospital ngayon naman ay sabay na kaming naglakad papasok ni Lucas.

"Ano sa tingin mo ang mangyayari bukas?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok ng elevator.

"Ihanda mo na bro ang sarili mo dahil kinabukasan kalaboso tayo!" Wala namang nakakatuwa sa sinabi nito pero hanep para kaming tanga na humahalakhak habang nakasakay sa elevator.

"Sana may kakilala kang abogado kasi walang duda na makukulong tayo." Muli na naman kaming nagtawanan na dalawa sigurado na kung may nakakakita samin ngayon ay mapagkakamalan kaming mga naka-drugs.

Nang makalabas kami ng elevator ay sinalubong kami ng nag-aalalang si Casper.

"What happened bro?" Kaagad na dinapuan ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko namalayan na wala na si Lucas sa tabi ko naramdaman ko lang ang mabilis nitong pagtakbo.

"Casper?" Pinakatitigan ko ito at lumubog ang puso ko ng umiling ito.

Bumagal ang paghinga ko maging ang pag-galaw ng paligid.

Lumalim ang paghinga ko at dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng mga kaibigan ko.

"What happened bro?" I was desparate to know everything pero nakayuko lang ang mga ito at nanginginig ang mga balikat.

"Baby..." Wala sa sariling bulong ko at mabagal na naglakad papunta sa may bintana para tignan ang mag-ina ko.

"Putangina niyo, I'm going to kill all of you!" Unti-unting kumuyom ang mga kamao ko at masamang tinignan ang mga kaibigan ko na tumatawa ng walang tunog.

Inalis ko ang tingin ko sa mga hudlum kong kaibigan at muli kong tinignan ang babaeng mahal ko na gising na at kasalukuyang tinitignan ng doctor.

"Sinong may pakana nito?" Galit na tanong ko at isa-isa silang tinignan.

Nagturuan ang mga ito pero ng makita nila ang galit kong tingin ay sabay-sabay na tinuro ng mga ito si Lucas.

"Damn you bro!" Sinugod ko ito at nagsimula na kaming magbuno na dalawa.

"DE VERA, VOZTA!" hingi ng tulong ni Lucas pero ang mga loko nginisihan lang ito.

"CASPER, CHRISTELLE!" Muling hingi ng tulong nito.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now