Chapter 56

11 0 0
                                    

Sa kotse palang kanina ay nag-decide na kami na sa The Green Garden Restaurant magpunta. Kaya naman pagkadating namin sa lugar ay wala na kaming time to appreciate the ambiance and design of the restaurant kasi natanaw na namin ang mga kaibigan ni Roberto na mukhang inip na inip na. Well sino ba naman kase ang hindi maiinip eh halos dalawang oras na kaming late nitong talipandas kong kasama.

Mula sa labas ng restaurant ay pinakatitigan ko ang mga kaibigan ni Roberto na kikitain namin at halos lumuwa ang mga mata ko at kulang nalang magtatalong ako dito sa kinatatayuan ko pagkakita kay Casper.

"Is that Casper?" Tanong ko kay Roberto to make sure and he nodded.

"CASPER!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na takbuhin ang distansya namin.

Pagkarinig palang sa boses ko ay napatingin kaagad si Casper sa akin ng may ngiti na kaagad din naglaho at napalitan ng panlalaki ng mata dahil sa takot at pag-aalala.

"Jesus, Christelle don't run!"

Hindi ko pinansin ang sinabi nito, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan akong makalapit dito.

Hinihingal na ngumiti ako dito at handa na sanang batiin ito pero kaagad akong napasimangot ng marinig ko ang galit na boses ni Vozta.

"Tch!" iningusan ko ito at saka hinarap si Casper na hindi din ata masaya sa ginawa kong pagtakbo.

"Sorry" humingi nalang ako ng pasensya dahil mukha talagang walang masaya sa ginawa ko.

"Hey! Huwag niyo ng pagalitan yung baby ko." Ani ni Roberto at saka yumakap mula sa likuran ko.

"Come here!" ngumiti si Casper at ibinuka ang mga kamay para sa yakap ko.

Alam na ni Roberto ang gagawin, binitawan ako nito kaya excited na tumakbo ako para yakapin si Casper.

"Miss me?" tumingala ako dito at ngumiti ng malaki bago magkakasunod na tumango.

"Oops tama na ang masyadong pagyakap sa asawa ko." seryosong inilayo ako ni Roberto kay Casper at saka inalalayan paupo.

"Jealous as ever!" De Vera commented.

Pinagtawanan nila Casper si Roberto at itong huli naman ay sumimangot sa mga kaibigan bago sinamaan ng tingin.

After we got settled up nag-order na kami ng pagkain, as for me si Roberto na ang nag-order dahil hindi na ako pwedeng magkakain ng sobrang dami at laging sinasabi ni Roberto na kapag ako lang ay wala akong control kaya dapat siya ang mag-order para ma-monitor niya ang mga kinakain ko.

 
"Vozta bakit mo ba ako dinala dito?" Everyone stop in their tracks ng out of nowhere ay nagsalita si De Vera habang nakatingin sa'min ng nakakaloko.

Nangunot ang noo ko at nagtatakang tumingin kila Casper at katulad ni De Vera ay nakangiti din ang mga ito na parang aso.

"Quit grinning, you look like a dog!" I spat and just how fast they smile ay ganon din kabilis nawala ang mga ngisi ng mga ito.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now