Chapter 41

14 0 0
                                    

Roberto's point of view

"What the heck?!" Hindi ko alam kung may mas makakapag-pagulat pa ba sa makikita mo ang asawa mo na hubo't-hubad at nakabukaka sa sofa at nakatali ang magkabilang hita sa mga braso habang pinapaligaya ng ibang lalaki.

"Oh hi there gusto niyo bang makisali?" Hindi ko alam kung si Amanda pa ba itong nakikita ko o ibang tao.

"Hi! Long time no see!" Ibayong galit ang nararamdaman ko ngayon, habang nakikita ko ang nakangising mukha ni Lyndon.

"Lyndon!" Galit na bati ni Lucas.

"Kumusta na Lucas, hanggang ngayon ba ay nakabuntot ka pa din kay Christelle?" Puno ng panunuyang tanong nito.

"Damn you!" Sigaw ni Lucas at huli na para mapigilan pa ito dahil ngayon ay nakalupagi na sa sahig si Lyndon at puro dugo na ang mukha nito.

Tinignan ko si Amanda at nakita kong nakangisi lang ito habang pinapanuod si Lucas na sinusuntok si Lyndon.

"Tama na yan bro!" Dali-dali kong nilapitan si Lucas at pinigil ko ito dahil hindi na maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.

"Alam niyo ba na hawak ng isa sa mga tauhan ko si Christelle ngayon." Namutla ako pagkarinig sa sinabi nito at hindi ko namalayan na nabitawan ko na si Lucas at nang matauhan ako at napatingin dito ay sakal sakal na nito si Amanda.

"Parating na ang mga pulis at sigurado ako na mabubulok ka sa bilangguan." Sigaw nito at binitawan na si Amanda sakto naman na dumating ang mga pulis at hinuli na ang dalawa unfortunately bago pala kami pumunta sa condo ni Lyndon ay tumawag na ng pulis si Lucas.

"Let's go!" Hinatak ko na si Lucas dahil masyado na akong nag-aalala sa kalagayan ng mag-ina ko.

Kaagad namin nilisan ang manila at makalipas ang apat na oras ay narating namin ang bahay ni Christelle.

Sa labas palang ng gate ay masyado na ang kabog ng dibdib ko at hindi na ako mapakali. Mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba ng makapasok kami sa bahay ni Christelle at makitang walang bukas na ilaw.

"Christelle!" Sigaw ko at nagsimulang halughugin ang first floor pero wala siya dun. Ang huling chance nalang namin para makita siya ay ang second floor.

Minadali ko ang pagtakbo papunta sa second floor, kagaya ng ginawa ko sa first floor ay hinalughog ko din ang second floor pero wala siya sa mga kwarto maging sa sarili nitong kwarto ay wala din ito. Ang tanging kwarto nalang na hindi ko napapasok ay ang saradong kwarto kanina na nadaanan ko sinubukan ko kasi itong irattle kanina pero mukhang sarado ito mula sa labas.

"Christelle!" Sigaw ko mula sa labas ng kwarto at malakas na kinalampag ito. Pinakinggan ko ang nasa loob at halos tumalon ako sa tuwa ng nung marinig ko ang galit na boses nito sa loob ng kwarto. "Ano ba ang ingay!"

"Christelle!" Mas nilakasan ko ang sigaw ko at muling pinakinggang ang nasa loob at narinig ko ang mabilis na yabag ng paa.

"Roberto!" Biglang bumukas ang pinto at isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa'kin.

Tumulo ang luha ko at ginantihan ko ito ng yakap.

"Oh baby akala ko ay mawawala ka na sa'kin." Usal ko at mas hinigpitan ang yakap ko dito.

"I'm not gonna let her die like that!" Napahiwalay ako sa yakap ko kay Christelle ng sumulpot sa likod namin si Lucas.

Nagtatakang tumingin ako dito dahil hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.

"Bago palang ako sumunod sa'yo sa manila ay inayos ko na lahat mula sa magbabantay kay Christelle hanggang sa mga pulis." Paliwanag nito.

"Magbabantay?" Takang tanong ni Christelle. Mukhang pati ito ay walang kaalam-alam sa pinag-gagawa ni Lucas.

Tumango si Lucas bago muling nagsalita. "You are like a sister to me kaya hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yong masama."

"Thanks bud, I owe you this one." Pasasalamat ko dito.

"You owe me nothing man, gusto kong makatulong ayokong makita na nahihirapan kayong dalawa." Sagot nito

"What's gonna happen to Amanda and Lyndon?" Bigla ay tanong ni Christelle.

"Hindi pa namin alam kung ano ang mangyayari sa kanya but one thing is for sure, pagbabayaran niya ang pamemeke sa kasal namin at ang pagpatay nila sa anak natin." Pinanuod ko kung paano nagbago ang ekspresiyon nito mula sa masaya hanggang sa nagtataka.

"Peke?!" Malakas na tanong nito. Uh-oh

"Lucas said na peke ang kasal namin, diba Lucas?" Sagot ko at saka tinignan si Lucas pero ang loko tumatakbo na pababa.

"Lucas you idiot, get back here!" Sigaw ko na natatakot lumingon sa gawi ni Christelle.

"Sorry bro, she's gonna kill me!" Sigaw nito na nasa malayo na.

"Nagtatakbo na siya." Ani ko at alanganing tumawa. Dahan-dahan akong lumingon dito at ang tawa ko ay parang bulang nawala ng makita ko ang nakamamatay nitong titig.

"DON'T LEAVE ME HERE BRO!" sigaw ko at tumakbo para habulin si Lucas.

"I'm going to kill you both!" Kahit nasa malayo ay dinig ko ang galit at malakas na sigaw ni Christelle na talagang nagpakaba sa'min.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now