Chapter 67

12 0 0
                                    

Premiere Medical Center

Christelle point of view

Isang oras ng hindi matigil ang cellphone namin sa pagtunog. Maya't-mayang may tumatawag kagaya nalang ngayon kakatapos ko lang kausapin si Kikay na nangungumusta at nagtatanong tungkol sa issue, may tumatawag na naman sa phone ko.

Tinignan ko muna ang screen ng phone ko at ng makitang si Monica ang tumatawag ay hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ito. "Hello, Monica?"

Nakarinig ako ng maraming ingay sa kabilang linya, ingay na nagkakagulo.

Kumunot ang noo ko, "Monica?"

"Where is our ceo? Dapat siya ang nag-aayos ng mga ganitong problema, hindi ikaw dahil wala kang alam sa bagay na ito dahil secretary ka lang!" sigaw ni Gilomino Rustan.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay sumigaw na ako. "Monica, give him that fucking phone!"

"Sige" mahinang sagot ni Monica at dinig ko na sinabi nito kay Gilomino Rustan na kakausapin ko ito.

"May problema ka ba sa pagiging missing in action ko, Mr Rustan?" hindi ko na binati ito ng magandang hapon dahil wala namang maganda sa hapon ko.

"Oo may problema ako, hindi dapat yung sekretarya mo ang nag-aayos ng problema ng opisina dapat ikaw kase ikaw ang ceo!" galit na sigaw nito.

"Nasa hospital ako kase malapit na akong manganak at para sabihin ko sayo Mr. Rustan walang problema jan sa sekretarya ko kayang-kaya niyang ayusin ang problema na ginawa ng anak mo!" Alam ko na walang kinalaman si Gilomino Rustan sa ginawa ng anak nito pero hindi ko mapigilan ang nag-uumapaw na galit ko.

"Magdahan-dahan ka sa pang-aakusa mo Ms De Leon, huwag mong idadawit ang pangalan ng anak ko sa kung anong kagaguhan ang pinaggagagawa mo." may pagbabanta sa tono ng boses nito pero hindi ako nasindak ng bagay na iyon.

"Kagaguhan? Wala akong ginagawang kagaguhan Mr Rustan dahil kumpara sa anak mo mas malaki ang pangalan na hinahawakan ko." Knowing Mr. Rustan hindi nito nagustuhan ang sinabi ko dahil he's the typical proud person kaya naman isang malaking dagok para dito ang insultuhin ang pangalan nila.

"Mas malaki? Ang yabang mo naman pala eh hindi lang naman ikaw ang nagpalago ng kompanyang ito, kundi dahil sa'kin ay wala ang kumpanya mo sa taas." napaingos ako sa kawalan dahil sa kahambugan nito.

"Mr. Rustan, your presence in my company is not big of a deal, my company will survive even if you're not there. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang ginagawa mo jan eh akala ko umalis ka na kasabay ng anak mo." insulto ko dito pero totoo ang sinabi ko he barely help us.

Magkakasunod na mura ang narinig ko bago ang malakas na pagbukas at sara ng pinto.

"You made him mad." walang pakeng saaad ni Monica.

Napa-tsk ako bago kinausap si Monica.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now