Chapter 51

9 0 0
                                    

Roberto point of view

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may nakagadan sa'kin. Pasimple kong iminulat ang mga mata ko at kitang-kita ko ang likod ni Amanda sa ibabaw ko.

Pasimple kung tinanaw so Christelle at halos madurog ang puso ko pagkakita sa mga luha nito.

Iniwas ko ang tingin ko dito at pasimpleng tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko. Nagpasalamat ako dahil hindi mahigpit ang pagkakatali dito kaya naman madali ko lang itong naalis, at nung maalis ko na ito ay sakto namang nawalan ng malay si Christelle kaya bago pa tuluyang mag-isa ang kaselanan namin ni Amanda ay mabilis ko itong itinulak para maialis sa ibabaw ko.

Gulat na gulat itong napatingin sa'kin habang nakalupagi sa sahig. Sinamantala ko ang pagkakagulat nito para alisin ang tali sa mga paa ko at ayusin ang sarili ko, nung makita ko itong patayo na ay inilang hakbang ko ang pagitan namin at magkasunod na sampal ang ibinigay ko dito. Napabaling ang mukha nito at kitang-kita ko ang pamumula niyo.

"You dare to hurt my girl and put my son in danger!" Dinakma ko ang leeg nito para sakalin.

"T-They d-deserve to be hurt!" Kahit nahihirapan sa paghinga ay nagawa pa din nitong magsalita ng matuwid.

"Who the hell are you to tell me that they deserve to die!?" Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay mas hinigpitan ko ang pagkakasakal sa leeg nito, kita ko na ang pangingitim at pagtulo ng luha nito.

Dahan-dahang pumipikit ang mga mata nito ng biglang may bumulong sa'kin kaya naman bago pa ito tuluyang bawian ng buhay ay binitawan ko ito.

Kumakabog ang katawan nito sa sahig, namaluktot ito at naghabol ng hininga.

Nilapitan ko si Christelle at kinalas ko ang mga tali nito bago ito binuhat at inihiga sa kama.

Muli kong tinignan si Amanda at kita ko kung paano ito hirap gumapan makasandal lang sa pinakamalapit na pader.

Nilapitan ko ito at ako na mismo nag-alalay dito papaupo, isinandal ko ito sa pader bago ako umupo sa harap nito.

Punong-puno ng sakit at lungkot ang mga mata nito pero kakatwang kahit konting bakas ng galit ay wala akong nakita mula dito.

"Sorry" yun palang ang nasasabi ko ay magkakasunod ng tumulo ang luha nito na animo'y isa itong dam na nawasak.

"R-Roberto mahal na mahal kita." Tumango ako sa sinabi nito.

Alam ko na hindi siya nagsisinungaling sa bagay na iyon dahil naramdaman ko ang pagmamahal nito sa loob ng ilang taong pagsasama namin.

"I know and I apologize for hurting you but I can't fool myself because Christelle is my everything now."

Kinagat nito ang labi para pigilan ang paghagulhol.

"You know I keep on telling myself that you two deserve to get hurt, pero sa totoo lang ay ako talaga yung dapat na masaktan kasi niloko at pinatay ko ang kaisa-isang lalaking nagmahal sa'kin ng totoo." Tumingin ito sa kalangitan at wala sa sariling ngumiti na para bang nakikita nito si Lyndon.

"Did you know that Lyndon sacrifice a lot for me. That man I owe my life to him."

Tumango ako dito.

"Can you tell her that I'm sorry?" I snickered but still nod.

"Pwede mo namang sabihin sa'kin yan face to face bakit kailangan na kay Roberto mo pa ipadaan?" Mas lumawak ang pagkakangisi nito habang nakatingin sa taong nasa likuran ko.

"I'm sorry if I scared you but killing you is not my plan!" Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi ni Amanda pero mukhang si Christelle ay handa itong patawarin kahit na sobrang laki ng kasalanan nito.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now