Chapter 72

17 0 0
                                    

Roberto point of view

Sabihin mo na namamalikmata lang ako? Sabihin mo na hindi totoo itong nakikita ko!? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, malalim ang paghinga ko at ramdam ko ang unti-unting pagdilim ng paningin ko habang nakatingin ako sa asawa ko na walang malay sa bisig ko.

"Lucas take her!" hindi ko na makilala ang boses ko nang tawagin ko si Lucas para kunin si Christelle sa'kin.

"You're gonna pay for this!" binalingan ko ng tingin ang lalaki na nanakit kay Christelle at tuluyan ko ng nakalimutan ang lahat ng makita ko itong nakangisi sa'kin. Tinakbo ko ang distansya namin at nung makalapit na ako dito ay inundayan ko ito ng suntok na hindi nito naiwasan or more like sinadya nitong hindi iwasan. Napalupagi ito sa sahig na ginamit kong pagkakataon para kubabawan ito at pagsusuntukin.

"You have no right to hurt my wife and put her life in danger!" sigaw ko habang galit na pinapaulanan ng suntok sa mukha ang lalaki.

"Bro stop! You'll kill him." naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Lucas sa balikat ko para patigilin ako sa ginagawa kong pagsuntok sa lalaki pero hindi ako nakinig nagpatuloy ako sa pagsuntok dito habang nakatingin ako sa nakangisi parin nitong mukha na animo'y hindi ito nasasaktan. Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil dun at nung handa na akong suntukin ito ng sobrang lakas ay hinatak na ako ng tuluyan ni Lucas paalis sa ibabaw nito.

"The heck is wrong with you!?" galit na bulyaw ko dito at nagpakawala ng isang suntok na mabilis nitong inilagan.

"Mapapagaling ba niyan si Christelle!? Kailangan ka ng mag-ina mo Robert!" sigaw nito at para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla akong natauhan sa sinabi nito. Mabilis na nagtatakbo ako papunta sa operating room dahil alam ko na dun ito dadalhin, at habang mabilis akong tumatakbo ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang kalagayan ng mag-ina ko.

Pagdating ko sa operating room ay naabutan ko si Mommy na nakatanaw sa saradong pintuan habang tahimik na umiiyak.

Nakita ako nito kaya mabilis itong dumalo sa'kin. "R-Roberto, s-sorry!" paghingi nito ng tawad habang patuloy sa pagluha. Hindi ko ito pinansin naglakad ako papunta sa may saradong pintuan at dumukdok ako dun habang tahimik na nagmamakaawa na sana ay maayos sila.

"R-Roberto..." narinig ko ang boses ni Glacier na tinawag ako, bakas sa boses nito ang lungkot at pagsisisi pero hindi ko kayang makisimpatya dito ngayon. Tumigas ang mukha at titig ko sa kongkretong pinto bago ako nagdesisyon na harapin ang babaeng naging dahilan kung bakit nasa operating room ang asawa ko at nag-aagaw-buhay.

"I'm s-so...rry!" nauutal na paghingi nito ng tawad, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Hindi ako kumibo sa halip ay pinasadahan ko ng tingin ang buo nitong katawan at kita ko ang mga galos nito pero kahit na ganon ay hindi ko makuhang makisimpatya dito.

"Umalis ka na!" walang emosyong utos ko dito.

Bumalatay ang sakit sa mga mata nito pero tinalikuran ko nalang ito at muling hinarap ang pinto ng operating room. "Ito na sana ang huling beses na makikita kita, siguro naman ay sapat na ang sakripisyo ng asawa ko para lang lubayan mo kami."

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now