Chapter 70

18 0 0
                                    

"Damn those idiot, anong alam nila sa nararamdaman ko!" Galit na usal ko habang nakatingin ako sa numero na dina-dial ko. Pagkatapos kong magtatakbo para layasan ang mga talipandas na iyon ay dinala ako ng mga paa ko sa katapat na park ng building ng CRDL. At habang bakatambay ako dito sa park ay naisip ko na tapusin na ang lahat kaya naman ito ako ngayon at hinihintay ang pagsagot ng tawag ng nasa kabilang linya.

"Damn Kristoff answer the damn phone!" Inis na wika ko habang mahigpit na nakahawak sa cellphone ko na sumasabay yata sa init ng ulo ko.

Hindi ko alam kung may isang oras na ba ang lumipas basta ang alam ko lang ay naririnig ko na ang baritonong boses ng nasa kabilang linya na nagtatanong kung ano ang kailangan ko.

"I need your help." Sambit ko.

Alam ko na napapairap na ito sa kawalan at iniisip na nitong napakatanga ko.

"Alam ko na kailangan mo ang tulong ko dahil hindi ka tatawag dito ng wala kang kailangan, ang tanong ko ay kung anong klase ng tulong ang kailangan mo." It's my turn to roll my eyes now dahil sa pagiging straight to the point nito.

Dahil sa wala na itong paligoy-ligoy ay dire-diretso ko na ding sinabi ang kailangan ko.

"I want you to help me execute my plan on killing Christelle!" Pansamantalang natahimik ang nasa kabilang linya. Mukhang pinoproseso pa nito ang mga sinambit ko.

"Kailan ko dapat gawin ang plano?" Pagkuwa'y tanong nito.

"Anong mo? Natin ang tamang term dahil gusto ko na ako mismo ang papatay sa babae na yun." Giit ko at kahit na tutol ito ay wala itong magawa kundi ang mag-oo dahil hindi ko ito babayaran kapag hindi ito pumayag and besides willing akong maghanap ng iba na papayag sa gusto kong mangyari. Buti nalang talaga at mukhang pera ang lalaking ito.

"Sa susunod na araw na natin gawin ang plano sa ngayon uuwi muna ako sa bahay." Hindi ko na hinintay ang sagot nito, pinatay ko na kaagad ang tawag at pumara ng taxi para makauwi sa mansion.

Pagdating ko sa bahay ay kaagad na bumungad sa'kin ang naglalasing kong tatay. As always nakakapagod din yung laging ganito ang aabutan ko. Simula ng mawala si Mommy wala ng ibang ginawa si Daddy kundi ang maglasing ni hindi na nito naaalala na may anak siya na dapat alagaan.

Nagbuntong hininga ako bago nag-desisyon na batiin ito.

"Good Afternoon Dad!" Bati ko dito habang nakangiti ng malaki pero tanging lamig lang ang naging sukli nito sa'kin. Pinilit kong panatilihin ang mga ngiti ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng maluha.

Imbes na hintayin itong batiin ako pabalik ay nagdesisyon ako na lumapit dito.

I heaved a deep sigh and was about to go to his direction para sana magmano pero pinigilan ko ang sarili ko at naglakad nalang paakyat sa kwarto ko dahil baka maulit lang yung dati na tinapik nito ng malakas ang kamay ko na umaamba palang sa pagmamano.

Nasa kalahatian palang ako ng hagdan ay isang lumilipad na baso na ang muntik na tumama sa'kin, mabuti nalang at nailagan ko ito.

"May balak ka ba na patayin ako" Singhal ko dito at palipat-lipat na tinignan ko ang baso at ang hindi masaya nitong mukha.

"Dapat nga matagal na kitang pinatay dahil wala kang kwentang anak isa kang kahihiyan sa angkan ng mga Rustan!" Hindi ko akalain na maririnig ko ang bagay na ito mula sa sarili kong ama take note ha sa sarili kong ama, pero hindi na dapat akong magtaka dahil lagi naman itong ganito.

"You don't mean that dad, your just drunk." At kagaya ng dati at lagi kong ginagawa ay nagpapasensya nalang ako.

"Oh I mean that, dahil wala kang kwentang anak kaya ka inayawan ng mommy mo dahil walang nagmamahal sa'yo." Kinagat ko ang gilid ng labi ko at pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko pero mayroon pa ding isang butil ng luha ko ang nakatakas at kita kong nakangisi ang daddy ko na pinanuod iyon na puno ng kasiyahan.

"Such a weakling!" Pang-iinsulto nito at tuluyan ng umalis sa sala.

Yumuko lang ako ng lampasan ako nito para dumiretso sa kwarto nito at matulog.

"I hate all of you!"

Dumiretso na ako sa kwarto at pagod na binagsak ko ang katawan sa malambot na kama.

Paglapat ng likod ko sa kama at pagdapo ng tingin ko sa kisame ay magkakasunod ng tumulo ang luha ko at kumawala na ang mga hagulhol ko.

"I hate you mom!" Galit na sambit ko habang nakatingin sa kisame na para bang nanduon ang mukha nito at nakangising nakatingin sa'kin.

Lumuluhang ipinikit ko ang mga mata ko ng dalawin ako ng kagustuhang matulog pero imbes na tulog ang dumalaw sa'kin ay bangungot ang dumalaw, bangungot na simula pagkabata ko ay pilit kong tinatakasan.

In her dreams.....

"Gilomino, wala ka na ba talagang kahihiyan!?" Sigaw ni Mommy mula sa sala.

Abala ako sa pagkain ng almusal ng magsimula ang ritwal ng mga magulang ko.

"Ano bang kahihiyan ang sinasabi mo, Glacy!?" Galit ang boses ni daddy ng sigawan nito si Mommy.

Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain, sanay na rin naman ako sa kanila. Wala naman ng bago kahit naman sabihan ko sila ay hindi naman sila makikinig madadamay lang ako kaya mas mabuti na huwag nalang silang pansinin.

"Talaga bang ipagpapalit mo ako sa babae na yun? Hindi ka manlang namili ng ka-level ko!"

Nangbababae si Daddy? Tanong ng mura kong isipan na mukhang hindi na mura dahil expose na ako sa mga magulang ko na mga walang delikadesa.

"Okay ka lang ba iha?" Nagulat ako ng magtanong si Nana Conchita, saka ko lang napansin na tumigil na pala ako sa pagsubo at nakatulala nalang ako sa pagkain ko.

Si Nana Conchita ang taga pangalaga ko simula ng magkaisip ako, siya na din ang kinikilala kong magulang dahil wala naman akong choice, walang pakialam ang mga magulang ko sa'kin.

Tumingin ako kay Nana Conchita at saka inosenteng nagtanong. "Nana, pwede po ba tayong pumili ng ibang pamilya?" 

Magkakasunod na tumulo ang mga luha ni Nana at niyakap ako ng mahigpit. Isang bagay na ipinagtataka ko.

"Nana?" Nagtatakang tawag ko dito pero hindi naman ito kumibo. "Bakit ka umiiyak?" Muli ay dugtong kong tanong at mas lalong lumakas ang pag-iyak nito.

"Kaya pala lunalaking mahina ang bata na yan kase bini-baby mo eh!" Ramdam ko ang paninigas ni Nana Conchita habang nakayakap sa'kin pagkarinig sa sinigaw ng Mommy ko.

Nagpumilit akong makawala sa mga bisig ni Nana dahil baka saktan ito ni Mommy.

Nasaktan si Nana sa ginawa ko pero tinigasan ko ang expression ko at binalingan ko si Mommy.

"Mommy, where's Daddy?" Ang nakataas na kilay ni Mom ay unti-unting naging straight at walang anu-ano na sinampal ako nito.

"Huwag na huwag mo babanggitin ang pangalan ng walang hiya mong ama!" Sigaw nito sa mukha ko at nagsimulang pagpapaluin ako, sa ulo, katawan, at sa iba't-ibang parte pa ng katawan ko.

Tahimik lang akong tinatanggap ang bawat pananakit nito hanggang sa hindi na kinaya ni Nana na makita akong nasasaktan.

Pumagitna ito sa'min ni Mommy kaya ito na ngayon ang tumatanggap ng mga pananakit ni Mommy.

"Stop Mommy!" Sigaw ko at gamit ang mahina kong kamay ay hinila ko ang kamay ni Mommy para pigilan ito.

Hinawi ako ng ni Mommy, dahil sa maliit at mahina lang ang katawan ko ay naramdaman ko ang katawan ko na malakas na tumilapon pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sakit pero nagtaka ako kung bakit sumigaw ang mommy ko na parang natatakot.

"AAAHHH!"

Iginala ko ang paningin ko pero ganon nalang ang panlalamig ng katawan ko ng makita ko si Nana sa likuran ko pero ang talagang nagpalamig sa'kin ay ang dugo na umaagos sa likod ng ulo nito.

"N-Nana?" Kinakabahang tawag ko dito pero hindi ito sumagot nanatili lang itong nakapikit.

"Mommy, what have you done" Singhal ko dito habang hindi inaalis ang tingin kay Nana Conchita. "Nana wake up!" Sigaw ko at inalog-alog ito hanggang sa napahinto nalang ako dahil sa mga dugo na kumapit sa kamay ko.

"What the hell is this noise!?" Sigaw ni Daddy mula sa bukana ng kusina.

Hanggang dun nalang ang naalala ko dahil nawalan na ako ng malay after nun.

End of dream

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now