Chapter 50

14 0 0
                                    

Christelle point of view

Exact 15 minutes mula ng makaalis kami sa restaurant ay natagpuan ko ang sarili ko na nakasakay sa passenger seat ng isang kotse na hindi ko alam kung kanino. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Amanda na tahimik na nagmamaneho.

"Why're you doing this Amanda?" tanong ko at nagkabit ng seatbelt.

Tinapunan ako nito ng tingin at saka nakangising bumaling sa unahan.

"Just shut up and sit still." sagot nito at nagsimulang magpatakbo ng mabilis.

"You want me to shut up and sit still? Are you kidding me?" Singhal ko dito pero wrong moved dahil isang sampal ang pinakawalan nito.

"Shut up, or else kasabay mong mawawala ang anak mo!" banta nito

Tinikom ko ang bibig ko at tahimik na hinintay na makarating kung saanman ako dadalhin ni Amanda.

Pero ilang minuto pa lang akong nananahimik ay hindi na ako nakatiis.

"Why did you kill Lyndon?" I ask and wait for her reply patiently pero hindi iyon nangyari dahil nanatili itong tahimik.

Lumipas ang minuto at tumuntong ang oras pero hindi pa din kami tumitigil, binabagabag na ako ng sobra-sobrang kaba, kanina ko pa din iniisip na tumalon sa kotse pero napipigilan akong ng isiping maaaring mamatay ang anak ko kaya hindi ko maituloy ang balak ko.

 Muling tumuntong ang panibagong oras at nagsisimula na ding lamunin ng matinding dilim ang kapaligiran ay saka lang huminto ang sinasakyan namin.

Nilinga ko ang paligid at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang lumang hotel pero hindi umabot sa puntong wala ng nangungupahan dito. May ilan-ilan akong nakitang pumasok at lumabas ng gusali.

Tinignan ko si Amanda ng makita kong nagtanggal ito ng seatbelt.

"Asan tayo? Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nanginginig ang kamay na tinanggal ang seatbelt na nakasuot sa'kin.

Sinamaan ako ng tingin nito at saka sininghalan. "Pwede ba huwag kang masyadong madaming tanong at sumunod ka na lang!"

Magkasabay kaming bumaba nito sa sasakyan pero sa magkaibang direksiyon kami nagtungo.

Nagtatakbo ako papunta sa kakahuyan para tumakas pero hindi pa man ako nakakalayo ay napahinto na ako dahil may humarang sa'kin na isang malaking tao, doble ang laki nito kung ihahalintulad sa mga bouncer sa bar.

"Bring her inside!"

Narinig ko ang sigaw ni Amanda mula sa hindi kalayuan. Kaagad na sumunod ang lalaki at inisang hakbang ang pagitan namin bago parang unan lang ako na binuhat, walang pag-iingat sa kilos nito hindi nito inalintana ang malaki kong tiyan dahil sa pinagbubuntis ko.

Mahigpit akong kumapit sa balikat nito sa takot na malaglag ako maging ang batang dinadala ko. Mukhang napansin nito ang takot ko dahil tumingin ito sa'kin at sa tiyan ko bago maingat akong ibinaba at inalalayan papasok sa loob ng hotel.

"Please, tulungan mo ako!" I pleaded but he just looked at me with nothing but a poker face.

"Maawa ka sa magiging anak ko, pakiusap gusto ko pa siyang makitang lumaki." I know what I'm doing is probably useless but at least I'm trying.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now