Chapter 47

8 0 0
                                    

Three hours later...

"Ako ang magiging look out ha, ibukas mo lang yung pinto at sesenyasan kita kapag okay na." tumango-tango ako sa sinasabi ni Roberto.

Kinakabahan ako sa gagawin naming pagtakas, naka-set na lahat ng gagawin namin. Pagkatapos kumain ng agahan kanina ay dumiretso kami ni Roberto sa kwarto para pag-usapan ang gagawin namin at ito na nga umabot na kami dito, siya ang magiging look out kina mommy at daddy at kapag okay na ay si-senyasan niya ako para maunang lumabas.

"Whoo!" huminga ako ng malalim at nakaisip ng kalokohan, nangingiti ako sa isip ko. Pinapanood ko si Roberto para maisagawa ko na yung plano ko at nung nasakto na tumingin sa'kin si Roberto ay umamba ako na tatalon ng mataas.

"NO!" sigaw nito at kanda-dapa sa pagtakbo papunta sa'kin habang takot na takot pero ang takot nitong ekspresiyon ay napalitan ng inis ng makita akong nakatayo lang at tawa ng tawa. Pero hindi siya ang pinagtatawanan ko kundi yung tao na nakatayo sa likuran nito.

"Tatakas pa kayo ha!" tuluyan na akong napahalakhak ng makita ko kung paano mamutla si Roberto na akala mo nakakita ng multo.

"Sorry baby." I mouthed my apologies but he just looked at me deadly.

"Sige na umalis na kayo para sa date niyo at please lang bumalik kayo before dinner dahil sabay-sabay tayong kakain sa labas."

Tumango lang kami sa sinabi ni Mommy at sabay na kaming lumabas ng bahay na hindi nagpapansinan. Pagkadating namin sa labas ng bahay ay nag-aalalang tinitigan ko ito bago tinanong.

"Galit ka ba?"

Tumingin ito ng may hindi makapaniwalang tingin. "Ano sa tingin mo!?"

"Sorry na, gusto ko lang naman na alam nila Mommy kung saan tayo pupunta para hindi sila mag-alala." paliwanag ko hoping na maiintidihan nito pero nanatili itong tahimik at matigas ang ekspresiyon.

"Ahm, we could go some other time, I'm sorry for pranking you and making you worry." ani ko at malungkot na tumalikod para bumalik sa loob ng bahay.

Mabagal akong naglalakad umaasa na pipigilan ako nito pero ng lumipas ang limang minuto na nanatili itong nakatayo sa labas ng bahay ay binago ko ang pace ng paglalakad ko at tinungo ang garden para magpalamig at magmukmok.

This is the first time na nagalit ito sa'kin ng ganito at hindi pala maganda sa pakiramdam, it feels like we were back to when he decided to leave me.

Kumirot ang dibdib ko ng maalala ko yung mga panahon na mag-isa at at ang tanging nagta-tyaga lang sa'kin ay si Lucas.

"Ang tanga mo kase Christelle!" Reklamo ko at saka inis na ginulo ang sariling buhok.

Tinanaw ko ang magandang halamanan ni Mommy at hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin, kusa nalang bumuka ang bibig ko para sa isang awitin.

"Kamukha mo si paraluman!" Pagkanta ko sa unang lirika.

"Nung tayo ay bata pa ha ah!"

"At ang galing-galing mong sumayaw."

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon