Chapter 62

11 0 0
                                    

Back to Christelle Point of View

Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na makuhang magsalita, pakiramdam ko ay kinain na ng lungkot at pangungulila ang buong lakas maging ang kakayahan kong mag-usal ng kahit na ano.

"Christelle do you want to eat somethin?" Roberto's mom ask but I remained silent.

"Darating sila Roana at Sancia dito para bisitahin tayo." tumango lang ako sa sinabi nito.

"Can I go to bed?" tanong ko ng hindi ito tinitignan. Hindi ko na din hinintay ang sagot nito tumalikod na ako para umakyat sa kwarto at mamahinga. I feel bad for her she's just trying to cheer me up pero hindi ko talaga kaya.

Nasa kalahatian na ako ng hagdanan ng magsimulang bumuhos ang luha ko, kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghagulhol dahil ayaw kong marinig ito ng Mommy ni Roberto masyado na itong maraming pinagdadaanang problema para dumagdag pa ako.

Nang makarating ako sa kwarto ay iginala ko ang paningin sa bawat sulok nito, at sa bawat parte na madapuan ng paningin ko ay napapangiti ako dahil sa mga memorya namin ni Roberto na magkasama.

Para na akong tanga ngumingiti ako habang lumuluha, siguro kung may makakakita lang sa'kin ngayon ay aakalain ng baliw ako. Pero hindi naman masasabi na kasinungalingan iyon dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

After memorizing every detail in our room, nagpasya akong mahiga at pumikit muna sandali habang nag-iisip ng pwedeng gawin.

Habang nakahiga ako at tahimik na nakatingin sa kisame ay binulabog ako ng isang tunog na nagmumula sa cellphone ko. Tamad na inabot ko ito at tinignan ang caller ID, napabuntong hininga ako pagkakita sa pangalan ni Glacier bago tamad na sinagot ito.

"What do you want?" tanong ko dito ng hindi inaalis ang tingin sa kisame.

"Napag-isipan mo na ba ang offer ko sa'yo?" She muttered from the other line.

"Yan lang ba ang itatanong mo? Kasi kung yan lang ay wala akong time sa'yo." gigil na sagot ko.

"You know that my offer has an expiration date. kaya kung ako sa'yo magdesisyon ka na."

"Expiration my ass!" Singhal ko dito.

Tawa nito ang pumuno sa tainga ko at nagpablanko sa utak ko.

"May sinend akong picture sa'yo, pag-isipan mong maigi ang offer ko!" sambit nito na bakas pa rin ang pagtawa.

"Ciao!" pamamaalam nito at pinatay ang tawag.

Kasabay ng pagkaputol ng tawag ay tumunog ang notification ko sa messenger, dali-dali ko itong binuksan.

Para akong papanawan ng ulirta sa nakita kong larawan tinutop ko ang bibig ko at kusa ng nalaglag ang mga luha ko.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now