Chapter 20

23 0 0
                                    

Alas sinco palang ng madaling araw ay naihanda ko na ang lahat mula sa paglilinis ng bahay hanggang sa pagluluto ng ulam. Nang matapos sa lahat ng dapat gawin ay nag-iwan ako ng note sa may ref na lalabas muna ako sandali para mag-grocery sakto din naman na wala nang laman ang pantry kaya ginamit ko na iyong dahilan para makaalis at kitahin si Kikay.

Yes you heard it right! Si Kikay yung tumawag sa akin kagabi.

Pagkalabas ko ng bahay ay dumampi na kaagad sa balat ko ang malamig na hangin ng madaling araw. I rubbed my arms para mainitan kahit paano pero hindi ito epektibo dahil nangangatog pa din ako sa ginaw.

Kinandado ko mula sa loob ang pinto ng bahay at nagmadali na sa paglabas ng gate. Binuksan ko ang maliit na pinto sa gate at kaagad ko din itong ikinandado bago nagmamadaling pumasok sa nakaparadang Mitsubishi Montero.

"Sorry I'm late, kanina ka pa ba?" Tanong ko sa lalaking nakaupo sa driver seat.

"Not really." Sagot nito at nag-inat muna bago pinaandar ang kotse.

"Are you sure about this?" Lucas asked habang nagmamaneho palabas ng village. Napakunot ang noo ko at napatingin dito.

"Why do you asked?" I ask looking at him intently.

"Just wondering, why now and not before?"

Bakit nga ba ngayon lang? Napaisip din ako sa itinanong ni Lucas.

Kinalkal ko sa kailaliman ng utak ko ang dahilan kung bakit ngayon ko lang kinausap si Kikay kahit na maraming pagkakataon ako para gawin ang bagay na iyon pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang galit at poot na matagal kong kinimkim.

"Walang masyadong oras." I answered lamely.

Nagtaas ng kilay si Lucas sa'kin na mukhang hindi naniniwala sa sagot ko.

"Oras, you have a lot of that." Sagot nito habang nililiko ang kotse sa hindi masyadong mataong highway.

"I know, I was eaten by anger and hatred kaya kahit na nakilala ko si Roberto ay hindi ko sila lubusang napatawad. I act civil kapag kaharap sila pero deep inside me the trust I put to them shattered into tiny pieces." Nagbuntong hininga ako pagkatapos kong sagutin ang tanong nito.

"Ready ka na ba ngayon, wala na ba yung galit at poot diyan sa puso mo?" Sa sumunod na tanong ni Lucas ay pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala na akong kahit isang galit na nararamdaman sa dati kong kaibigan.

"You know nung unang may nangyari sa amin ni Roberto, I realized that I was unfair to Limuel because I never gave him my body pero nagawa ko iyon kaagad kay Roberto." I said and he just snorted.

"Accidentally!" Ani nito sa malakas na boses at kaagad na inihinto ang sasakyan.

"Why are we stopping?" Kunot-noong tanong ko dito.

"We're here!" Sagot nito at nauna ng lumabas ng sasakyan.

"Tignan mo itong tao na ito hindi manlang naghintay." Inis na ani ko at hinabol ito na ngayon ay nasa pintuan na ng store.

Sa labas palang ng store ay tanaw ko na mula sa glass wall si Kikay. Nakaupo itong mag-isa sa pangdalawahang upuan. Minadali ko ang paglalakad at plano na sanang dumiretso sa table nito pero hinarang ako ng isang staff ng Starbucks.

"Welcome to Starbucks, table for how many?" The staff asked nicely habang nakangiti.

"My companion is over there!" Sagot ko at itinuro ang kinaroroonan ni Kikay. Sinundan nito ng tingin ang tinuturo ko at ng makita si Kikay ay tumango ito sa akin.

"What can I get you mam?" Muling tanong nito.

"Espresso, thank you!" Pagkayari kong sabihin ang gusto ko at makapagpasalamat na din dito ay tinalikuran ko na ito para tunguhin ang pwesto ni Kikay.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now