Chapter 66

16 0 0
                                    

Premiere Medical Center

Roberto point of view

Five hours later

Nakatayo lang ako dito sa loob ng kwarto sa tabi ng pintuan habang tahimik na naghihintay na matapos ang ginagawa ng doctor. Kanina pa ito kapa ng kapa sa tiyan ni Christelle tapos iiling.

"What's wrong with my wife doc?" Nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa asawa ko.

"She's fine, tho any moment pwede na siyang manganak and we need to do it via C-Section." sambit ng doctor.

"Pwede ko po ba malaman kung kailan po siya i-cs?" tanong ko sa doctor.

"One of these days pwede na siyang i-cs pero ngayon kailangan niya munang magpahinga, mas mabuti kung mag-stay na siya dito sa hospital, papaasikaso ko nalang sa mga nurse ang kwarto na lilipatan ng pasyente." paliwanag ng doctor bago tuluyang nagpaalam. Nagpasalamat muna ako dito bago ito tuluyang makaalis.

Tinapunan ko muna ng tingin si Christelle bago ako tumalikod para kausapin si Mommy. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Tito Spencer tatay ni Sancia, si Mommy, Roana at si Lucas at Sancia na magkayakap.

Lihim akong napangisi sa nakita ko. Magaling talaga magtago ang dalawang ito pero ngayon ay mukhang legal na sila.

Abala sa pag-uusap ang mga kaanak ko pero bigla din ang mga itong tumigil ng makita ako.

Si Mommy ang kaagad na pumunta sa tabi ko para magtanong. "How is she, son?"

"She's fine, Mom pero kailangan na niyang mag-stay dito sa hospital kase any moment daw ay pwede na siyang manganak." Sagot ko dito at kaagad naman itong napahinga ng maluwag pagkarinig sa sinabi ko.

"Normal or C-Section?" It was Sancia who asked me.

I eyed her and Lucas pero binalewala lang ng mga ito ang tingin ko.

"C-section" maikling sagot ko.

Pansamantala muna kaming nagkwentuhan, natigil lang kami ng dumating ang mga nurse na maglilipat kay Christelle sa private room.

"Mauna ka na dun Roberto, susunod nalang kami sa'yo." Tinanguan ko si Tito Spencer.

Sumunod ako sa mga nurse na nagtutulak sa stretcher na kinahihigaan ni Christelle na tulog pa rin hanggang ngayon.

Nang makarating kami sa isang private room na malapit lang sa operating room ay akma ng bubuhatin ng nurse si Christelle pero mariin ko itong pinigilan.

"Ako na!" Seryosong ani ko dito.

Walang magawa ang mga nurse kundi ang tumango.

Maingat na binuhat ko ito mula sa stretcher at hiniga sa hospital bed.

"Thank you!" Yun lang ang sinabi ko at isa-isa ng nag-alisan sa room ang mga nurse.

Nilapitan ko si Christelle at mahigpit na hinawakan ang kamay nito at saka ako dumukdok para umidlip muna dahil ramdam ko ang hapo ng katawan ko sa ginawa kong pag-byahe.

Papunta palang ang tulog ko ng makarinig ako ng kaluskos mula sa likuran ko, kahit na nahihilo na ako sa antok ay pinilit kong itayo ang ulo ko para tignan kung sino ito.

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon