Chapter 19

15 0 0
                                    

Pasado alas diyes na ng gabi pero hindi padin ako dinadalaw ng antok. I keep on twisting and turning pero no use mulat na mulat padin ang mga mata ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang ng mga tupa sa isip ko sa pagbabakasaling makatulong ito para makatulog ako pero wala pang dalawang sigundo ay mukha na ni Roberto at Amanda ang binibilang ko.

"Aish!" I said in annoyance and messed my already messed up hair.

"Nasaan ka na ba?!" gigil na sinuntok ko ang unan sa isiping mukha iyon ni Amanda at nakatingin ito sa akin na puno ng panunuya.

"Miss mo na ba si Roberto?" my subconscious mind teased me. I rolled my eyes at her at muling pumikit.

"AHH!" sigaw ko at bumalikwas ng bangon.

Para na akong masisiraan ng ulo sa kakaisip kung nagkita na ba ang mag-asawa at ngayon ay sobrang sweet na sa isa't-isa.

"Tawagan ko na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko at balak na sanang pumunta ng sala para tumawag kay Roberto gamit ang telepono pero napahinto ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Unknown number..." basa ko sa screen ng cellphone ko ng makuha ko ito sa ilalim ng unan ko. Pero sa kabila ng hindi nakarehistrong numero ay sinagot ko padin ang tawag dahil baka importante.

"Hello?" patanong na ani ko sa nasa kabilang linya.

"Meet me at the nearest starbucks tomorrow," hindi na nito hinintay ang sagot ko kaagad na nitong pinatay ang tawag. Napangiti ako ng malaki dahil ang lahat ay umaayon sa kagustuhan ko.

"Ang tanging hindi nalang umaayon sa iyo ay ang nararamdaman mo kay Roberto," pamamrangka ng kabilang bahagi ng isip ko.

Napaingos ako at nagdesisyon na ituloy ang naudlot na pagpunta sa sala. Pagkadating ko sa sala ay nagtaka ako kasi madilim ang paligid hindi ko naman maalala na pinatay ko ang ilaw. Pinakatitigan ko ang buong sala at halos mapasinghap ako ng may maaninag akong dalawang tao pero dahil sa sobrang dilim ay hindi ko mapagsino ang mga ito.

"Baka magnanakaw? Switch nasaan ka na!" piping tanong ko. Nagsimula akong maglakad pero para hindi makahalata ang mga ito ay dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad.

Habang tutop ang bibig ay kinapa-kapa ko ang dinding para sa switch ng ilaw pero malas yata talaga ako dahil hindi ko makapa ang hinahanap ko, "aish nasaan na ba kase 'yon?" Iritableng tanong ko at pinagpatuloy ko ang pagkapa, hindi ko alam kung paano nangyari pero mukhang pinagpapala ako ng panginoon dahil sa paglipat ng kamay ko ay yung switch ng ilaw na ang nakapa ko at lihim akong nagpasalamat sa panginoon bago ko pindutin ang switch para buhayin ang ilaw sa buong sala. "Thank God!" I silently prayed and turn the switch on. Pero wrong move dahil pagbukas ko ng ilaw ay bumulaga sa akin ang dalawang tao na kanina ko pa iniisip.

"AAHH!" "RAMONA!" magkasabay kaming napasigaw pero sa magkaibang dahilan kung ako ay dahil sa gulat si Amanda naman ay dahil sa galit. Magkakasunod akong napakurap habang nakangangang nakatingin sa dalawang tao na napagkamalan kong magnanawak.

"Plano mo bang panuorin kami o gusto mo ng umalis?!" Singhal ni Amanda.

Napasinghap ako at magkakasunod na napalunok pero nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa dalawa na parang estatwa.

"RAMONA!" this time it was Roberto's voice who boomed inside the big space at talaga namang napatalon ako. Para akong nagbalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang napipikong boses ni Roberto.

"Ah-eh s-sorry a-alis na a-ako." I stuttered. "Damn Christelle Ramona stop stuttering like a lame ass idiot!" Kinastigo ko ang aking sarili at nagsimulang maglakad pabalik sa aking kwarto.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now