Chapter 36

15 0 0
                                    

Roberto's Point of View

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may gusto akong gawin at tapusin. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Pagkadating ko sa kusina ay naabutan ko si Mommy at Daddy na naghahanda ng agahan.

"Good morning!" Bati ko dito at nagtungo sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.

"Where's Christelle?" Mom ask eyeing me.

I rolled my eyes before answering. "She's asleep."

"Why did you leave her?" Mom is really testing my patience.

"Mayroon lang akong importanteng pupuntahan. Pwede bang kayo muna ang magbantay sa mag-ina ko?" Tumingin si Daddy sa'kin ng seryoso pero kalaunan ay ngumiti at tumango.

"Kundi ko pa alam ay gustong-gusto niyo na umalis ako para masolo niyo yung mag-ina ko!" Sumimangot ako dahil ngumisi ang mga magulang ko sa sinabi ko.

Bago pa magbago ang isip ko at bantayan ang mag-ina ko ay umalis na ako ng bahay.

After an hour...

Pagkadating ko sa presinto ay kaagad kong nakita si Sancia.

"What are you doing here couz?" Sancia ask  inviting me to sit.

"Can I talk to Clarisse?" Hindi ako umupo kagaya ng gustong mangyari ng pinsan ko. Sinabi ko lang ang pakay ko at mukhang naiintindihan nito ang gusto ko kaya naman pinasamahan ako nito sa mga kasamahan.

"SPO1 Romero, samahan mo siya sa kinaroroonan ni Clarisse." Kaagad na tumalima ang naturang pulis at nanguna sa paglalakad. Habang sumusunod ako sa pulis na inutusan ni Sancia ay nililinga ko ang bawat sulok ng paligid na parang may hinahanap pero kaagad akong natigil ng huminto kami sa tapat ng isang kwarto.

"Dito na po tayo sir." The police officer announced at binuksan ang pinto. Duon ay tumambad sa akin si Clarisse na nakaupo sa isang kama.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at nung nakita ko na maayos naman ito ay lumapit ako sa kinaroroonan nito.

"Clarisse" tawag ko sa pangalan nito pero hindi ito lumingon sakin.

Sa pag-aakalang hindi ako nito narinig ay inulit ko ang pagtawag ko dito. "Clarisse"

"Hindi ko sinasadya yung nangyari." Ani nito habang nakatingin sa kawalan.

"Pero sinaktan mo pa din yung mag-ina ko!" Gusto kong saktan si Clarisse dahil sa pangalawang pagkakataon nalagay sa alanganin ang buhay ng mahal ko pero hindi ko magawa dahil ako ang may kasalanan kung bakit niya nagawa iyon.

"H-How are they?" Tanong nito na binalewala ko

"Tapusin na natin ang lahat ng namagitan sa'tin. Alam kong may mali ako pero hindi ko kayang saktan ang babaeng mahal ko." Kitang-kita ko kung paano tumulo ng magkakasunod ang luha nito. Naaawa ako dito dahil ako ang may kagagawan kung bakit ito nagkaganito.

"Goodbye Clarisse." Pamamaalam ko at tuluyang nilisan ang lugar. Pagkalabas ko ng kwarto ay dinig ko ang malakas na hagulgol nito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Sancia ng madaanan ko ito sa hindi kalayuan.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko ng ilang segundo bago sumagot. "Yes"

"Naaawa ako sa'kanya, biktima lamang siya ng mapaglaro kong pagmamahal." Ani ko

"Mahal mo ba si Christelle, o baka nasasabi mo lang na mahal mo siya dahil may kasalanan ka sa'kanya at gusto mong bumawi?" Hindi ko alam kung paano nasabi ni Sancia ang bagay na iyon pero ngayon itinanong niya sa akin ang bagay na iyon ay nagsimula akong kwestyunin ang pagmamahal ko para dito.

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon