Chapter 68

14 0 0
                                    

"What did you say!?" ngumisi si Amanda sa sabay na tanong namin ni Roberto pero hindi ito nagsalita sa halip ay hinila nito ang isang upuan at saka prenteng naupo dun.

"Amanda!" mapanganib na tawag ni Roberto dito pero ngumisi lang ito.

"Chill Roberto!" mapaglarong ani nito at saka humalakhak.

"Kumusta, Amanda?" hindi ko alam kung bakit naluluha ako ngayon na nasa harapan ko ito at masaya.

"Okay na okay, staying at that place is somehow clear my mind." sagot nito habang matiim na nakatitig sa'kin.

"Good to hear that, by the way I never had the chance to apologize to you." mukhang naintindihan nito ang sinasabi ko dahil umiling ito at matamis na ngumiti.

"You don't need to apologize because you done nothing wrong, ako yung dapat na humingi ng tawad sa'yo dahil nasaktan kita at ng dahil sa'kin nawala yung unang anak mo." tumulo ang luha ko pagkatapos magsalita ni Amanda.

"Sobrang tagal na nun, siguro dapat na nating kalimutan ang nakaraan at magsimula na tayo ng panibagong buhay." ani ko habang isa-isa ng binubura sa isip ko ang mga nangyari sa nakaraan.

"Kailan ka pa nakalabas?" tanong ni Roberto.

Bumaling si Amanda kay Roberto habang ako naman ay nanatiling nakatingin dito para pakinggan ang sasabihin nito, curious din ako kung ano na ang nangyari dito.

"Last week lang, tapos nakita ko sa news ang nangtari sa inyo kaya dito na ako dumiretso." kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka at mukhang napansin nito iyon dahil nagtataka itong tumingin sa'kin.

"How do you know na nasa hospital kami?" Tanong ko at mukha naman itong natauhan kasi bigla itong napangisi.

"Kinulit ko si Lucas para sabihin sa'kin kung nasaan kayo." napangiti nalang ako sa isinagot nito.

"Buti at napapayag mo si Lucas?" knowing Lucas alam ko na hindi ito basta lang magbibigay ng address or anything na connected sa'min na hindi namin alam.

"Naku ilang beses pa akong nagmakaawa, kulang nalang maglulumuhod ako para lang ibigay nito ang address kung nasaan kayo. Sa katunayan last week pa dapat ako nakipagkita sa inyo pero dahil nga sa kolokoy na'yun natagalan ang pagbisita ko." napahalakhak ako sa isinagot nito.

"Wooshoo hindi ka totoo!" Giit ni Lucas na hindi ko alam nakapasok na pala sa kwarto ko.

"Totoo kaya, ikaw kaya jan sobrang famous." ganti ni Amanda at kita ko ang pagpapabalik-balik ng tingin ni Sancia dito.

Hmm, someone's jealous... Napapangisi ako habang pinapanuod ang tatlo.

"Anyways, ano nga ba ang dahilan ng pagpunta mo dito?" Seryosong tanong ni Sancia na nakatitig ng masama kay Lucas.

Mukhang hindi ito masaya ngayon na may kausap na iba si Lucas.

Bumaling muna si Amanda kay Sancia ng ilang minuto bago tumitig sa'kin.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now