Chapter 5

33 0 0
                                    


Kinabukasan..........

"RAMONA! RAMONA! RAMONA!" tatlong malalakas na sigaw ang nagpabalikwas sa kanya mula sa masarap na pagkakahimbing.

Pansamantala siyang umupo dahil nakaramdam ng pagkahilo dahil sa biglaang pagtayo pero kalaunan ay lumabas din siya  ng silid para harapin ang kung sinuman na tumatawag sa kanya.

Pupungas-pungas na binuksan niya ang pinto pero kaagad din siyang napatayo ng tuwid ng bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Amanda sa likudan nito ay si Roberto na nakatingin sa kanya na parang agila.

"Plano mo bang matulog buong maghapon?!" galit na sigaw nito sa'kanya.

"Amanda! Ang aga-aga, why don't you let her settle first before mo siya pagalitan!" singhal ni Roberto sa asawa. Pinanatili niyang kalmado ang sarili kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niyang magpa'gulong-gulong sa kakatawa dahil sa ekspresiyon ng mukha nito.

"Sige na Ramona magbihis ka na at please lang maligo ka, suot mo pa din yan mula kahapon." napapahiyang nagyuko siya ng ulo sa sinabi ng among lalaki.

Bahagya siyang yumukod at walang lingon-likod na bumalik siya sa kwarto para maligo.

Pero nasa kalagitnaan palang siya ng paglalakad patungong banyo ay napahinto na siya dahil sa napagtanto. "Paano akong napunta sa kwarto?" Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi pero kahit anong pilit niya ay wala siyang maalala na lumipat siya ng kwarto kagabi.

"Baka naman naglakad ka ng tulog?" tanong ng kabilang bahagi ng isip niya. But that's impossible because that never happen to her before. Sa kabila ng pagtataka ay ipinagpatuloy niya ang pagpunta sa banyo dahil baka tuluyan ng magwala ang dragona niyang amo.

Minadali niya ang paliligo wala ng hilod-hilod konting sabon at shampoo lang ay nagbanlaw na siya. Sakto naman sa paglabas niya ng banyo ay tumunog ng malakas ang cellphone niyang nakatago sa ilalim ng unan niya.

Kandadulas pa siya sa kakamadali makuha lang ang cellphone na tumutunog. At ng malapit na siya dito ay magkakasunod na katok sa pintuan ang nagpatigil hindi lang sa pag-galaw niya kundi pati sa paghinga niya.

"Knock! Knock! Knock! Whose phone is that?!" hindi niya alam kung ano ang uunahin, kung yun bang pagbibihis dahil nakatapis lang siya ng towel, oh yung amo niya na kumakatok sa pintuan or yung cellphone niyang kasalukuyan pa ding tumutunog.

"Gaga! Huwag ka ng tumanga patayin mo na cellphone mo!" dahil sa sigaw ng kabilang bahagi ng isip niya ay tinakbo niya ang kinaroroonan ng cellphone niya at pinatay ito.

"RAMONA!" makakahinga na sana siya ng maluwag ngunit naudlot ito ng marinig ang galit na sigaw ng nasa labas ng kwarto niya. Wala na siyang pagpipilian pa kaya naman walang pagdadalawang isip niyang tinakbo ang distansya sa pagitan niya at ng pinto at saka hinihingal na binuksan niya ang pinto.

"Sir? Ha.. Ha.. Ha.." humawak siya sa hamba ng pintuan at saka nagpakawala ng malalalim na paghinga.

"K-k-kaninong phone yung tumutunog?" hindi makatingin ng diretso sa kanya ang among lalaki kung saan-saan pumapaling ang tingin nito pero may napansin siya na nakapag-pangiti sa kanya ng husto.

"Sir bakit namumula ka?" she teased him.

Pigil ang ngiti niya habang pinapanuod ang pagbabago ng ekspresiyon nito at ng makitang sumama ang tingin nito ay napabulanghit na siya ng tawa. "HAHAHA!"

"Magbihis ka na at ipagluto mo na kami," masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya bago siya tinalikuran.

Nangingiting napailing siya bago tuluyang pumasok para tignan ang cellphone niya. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng cellphone niya ay pinakiramdaman muna niya ang paligid bago tinignan ito para lang magulat dahil naka-active ang call nito.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now