Chapter 51

48.3K 1.2K 201
                                    

Mira Jane Garcia

YAKAP ko ang unan ni Emmie habang umiiyak dito sa gilid ng kama niya. Pagkatapos namin mag-usap ni Jean dumiretso na ako dito sa bahay nila Emz.

Umaalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Jean.

"I'm setting you free."

"Walanghiya talaga ang impaktong iyon! Hayup siya!" sabi ko habang humihikbi.

"Gaga! Anong iniiyak-iyak mo diyan eh di ba ikaw naman itong unang nakipaghiwalay sa kanya!"

"Ang sabi niya mahal niya ako! Kung totoong mahal niya ako sana hindi siya pumayag. Sana hindi siya sumuko. Sana pinatunayan niyang nagbago na siya. Tine-test ko siya kung gaano niya ako kamahal pero sumuko agad siya. That means, niloloko lang talaga niya ako. Hindi siya sincere sa nararamdaman niya sa akin."

Lalo lang tumindi ang pag-iyak ko.

"Lukaret ka pala, eh.  Ayan eh di 'na-set me free' ka ngayon. Kung hindi ka naman tangengot. Sinabi ko na nga sayo na bigyan mo ng chance yong tao na patunayan na mahal ka talaga niya. Tigas kasi ng ulo mo. Nagta-tanga-tangahan ka ba o pinanganak ka talagang tanga!"

"Ang harsh mo Emz! Pumunta ako rito para i-comfort mo ako. Pero wala ka namang ginawa kundi ang pagalitan ako! First time kong pumasok sa isang relasyon, first time kong magmahal ng totoo, first time ko ring masaktan ng ganito tapos tatangahin mo pa ako!"

"Oh sige na, tahan na. Kung talagang mahal ka ni Jean hindi ka matitiis non. Babalik din yon." sabi niya sa akin saka nito hinaplos ang likod ko.

"Manloloko talaga siya, bwiset siya pag nakita ko yong pagmumukha niya paduduguin ko talaga yong ilong niya!"

"Ewan ko sayo best, baka di lang matanggap ng pride mo na ikaw ngayon ang iniwan. Hay naku pero naiintindihan kita dahil tayong mga babae ay magulo talaga ang isip. Laging kabaliktaran ang sinasabi natin sa gusto nating mangyari. Kunyari sasabihin natin na ayaw na natin, pero deep inside gusto lang nating masuyo. O kaya naman gusto natin makipaghiwalay pero ang totoo nagpapapigil lang tayo. Di ba ganon yon? Pero malas mo lang si Jean Kaye ang hinamon mo oh ayan eh di natuluyan ang pagiging single mo. Swerte mo, wala kang kahirap-hirap na nakipaghiwalay."

Lalo lang akong napa-iyak sa sinabi ni Emz.

"Ang sakit kasi eh. Dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Una pinaglaruan niya ang damdamin ko, naglihim siya tapos ngayon napakadali para sa kanya na tanggapin ang pakikipaghiwalay ko, dapat sinuyo pa niya akong mabuti pero pinapatunayan lang talaga niya na isa siyang manloloko!"

"Bruha! Magtigil ka na nga. Mamaya dadating na si Kuya Seg. Pag nakita niyang mugto yang mata mo anong sasabihin mo, aber?"

"Emz......ang sakit ayoko ng umibig pa."

"Luka-luka! Yan lagi sinasabi ng mga sawi sa pag ibig!"

"Ayoko na Emz ang sakit sakit!"

"Tahan na ilang araw ka na bang ganyan. Move on best.Ganon talaga ang buhay pag ibig. Minsan kailangan mong dumaan sa pagsubok at hindi natin maiiwasan na masaktan lalo na kung totoo tayong nagmamahal. And I believe...........I can fly."

Agad kong nahampas sa braso si Emz. Seryoso na nga ang usapan dadagdagan pa niya ng kung anu-ano.

"Oh ayan eh di natawa ka."

"Sira ka talaga Emz!"

Pinilit ko na ring tumigil sa pag iyak dahil pag sinundo ako ni Kuya hindi dapat niya makita na mugto ang mata ko.

"Lika nga dito best."

Niyakap ako ng mahigpit ni Emz.

"Tahan na ha? Tandaan mo best ang babaeng broken-hearted gumaganda kaya ayan may chance ka na, wag ka ng umiyak. Isipin mo na lang na nabuhay ka ng NGSB. Kaya alam kong kaya mo pa rin mabuhay kahit wala si Jean, okay?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon