Chapter 71

25.9K 743 40
                                    

Jean Kaye Emerson

PARANG may kakaiba ngayong araw na ito. Halos mag isang oras na kasi akong naghihintay dito sa tagpuan namin ni Mira Jane pero ni anino niya hindi pa rin nagpapakita sa akin. Dati rati wala pang limang minuto na tumitigil ang sasakyan ko andiyan na siya, nakangiti at parang sabik na sabik siyang makita ako.

"Shit!"

Nasan ka na ba Mira Jane? Naiinip na ako. Gusto na kitang makita.

Napasandal ako dito sa kinauupuan ko at napatingin sa relo ko.

Five minutes pa.....

Nagextend pa ako ng limang minuto pero wala pa rin siya.

Anong nangyari? Bakit wala pa rin siya?

Napapailing na lang ako at nagsimulang magmaneho papuntang school.

Sana okay lang siya.

Napabuntong hininga ako at lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho.

Pagdating ko ng campus si Mira Jane agad ang hinanap ko. Mula sa library hanggang sa classroom nila tiningnan ko pero wala siya sa mga pinuntahan ko.

"Anong itsura yan, Jean? Bakit nakasimangot ka, ang aga-aga."si Jo.

Naabutan ko silang tatlo nila Jill at Anne dito sa canteen habang kumakain ng agahan.

"Badtrip, hindi sumabay sa akin si Mira Jane. Baka mamaya may sumundo na naman sa kanyang iba."

"Si Mira Jane pala ang dahilan."si Jill.

"Bakit may iba pa ba? Siya lang naman talaga ang sinusundo ko."

Tumango tango si Jill habang sumusubo ng tinapay saka nagsalita.

"Kahapon kasama namin siyang nagdinner sa apartment ni Anne. Mukhang malungkot siya kaya niyaya ko na lang siyang sumama sa amin."

Tumaas agad ang kilay ko sa sinabi ni Jill.

"Ganon? Buti pa pala kayo kasama siya. Samantalang ako hinihintay ko siyang puntahan ako pero mas pinili pa pala niyang sumama sa inyo."

"Sus, tampo ka naman agad. Eto nga binigyan niya ako kagabi ng fried siopao,pinainit ko kanina. Masarap pala to."

Halatang nangaasar tong si Jill. Napatingin naman ako kay Anne para alamin kung totoo ang sinasabi ni Jill.

"Malungkot nga si Mira Jane kagabi kaya kami na lang ang nagcomfort sa kanya. Baka kasi maabala ka kaya sa amin siya sumama."si Anne.

"Maldita."sabi ko sa kanya saka ko siya inirapan. Sumubo lang naman ito saka ibinaling ang tingin sa iba.

"Oops may isa pa. Akin na lang 'to."si Jo.

Napanganga na lang ako pagdampot ko ng karton nong fried siopao na kinakain nila dahil wala na ngang natira.

Leche! Bakit itong mga hayup na kaibigan ko pinapasalubungan niya samantalang ako hindi!

"Aray ko! Bwiset!"angal ni Jill dahil ibinato ko yong karton sa pagmumukha niya.

"Sumakit sana yang mga tyan niyo! Mga hampas lupa kayo!"sigaw ko saka ako tumayo at tinadyakan yong inuupuan ni Jo.

"Walangya! Bwiset ka Jean!"sigaw ni Jo dahil muntik itong mahulog sa kinauupuan niya.

"Magsama sama kayong tatlo! Mga patay gutom!"

Mabilis akong naglakad palabas ng canteen at sumugod sa classroom nila Mira Jane.

Nanggagalaiti ako sa inis.

Pagkarating ko dito sa tapat ng classroom nila wala pa rin siya.

Anong klase!

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon