Chapter 17

92.6K 1.2K 124
                                    

Mira Jane Garcia

"Ako ang magiging dyowa mo."

Ano daw? Parang bigla akong nabingi sa sinabi niya. Siya daw ang magiging dyowa ko? Nasisiraan na ba siya?!

"Sira-ulo ka talaga! Baka malate ka sa klase niyo. Pupunta na ako sa mga kagrupo ko." sabi ko saka ko sinukbit tong bag ko sa balikat ko.

"Okay, Good luck banyo queen. Hmm ang cute mo."

Napaatras ako bigla nong pisilin niya 'tong ilong ko. At agad akong umiwas ng tingin dahil ramdam kong nagsisimula ng uminit tong mukha ko sa ginawa niya.

Juskoh di ko akalaing makakaramdam ako ng kakaiba sa pagpisil niya sa ilong ko.

"T-thanks sa p-pag hatid sakin. Umalis ka na." halos magkanda-bulol ako sa pagsasalita at halos liparin ko papuntang backstage para lang maiwasan siya.

Hay. Yong impaktong yon talaga. Nagagawa niyang painitin tong pisngi ko sa di ko malamang dahilan. Ang alam ko lang naman nagbu-blush ako pag pinapansin ako ng crush ko pero yong impaktong si Jean kahit lagi kaming nagaaway nagagawa pa din niyang papulahin tong mukha ko.

You look really...pretty.

Tinawag pa niya akong pretty kanina.

"Best lika dito tulungan mo nga ako saglit." si Ems. Lumapit ako sa kanya habang nakahawak siya sa zipper ng dress niya.

"Akin na." sabi ko saka ko tinaas yong zipper para maisara yong dress niya. Dito na siya nagbihis ganon din yong ibang mga kaklase namin. Kung di siguro ako sinabay ni Jean sa pagpasok dito sa School baka nga magmukha akong alalay dahil sa dami ng dala-dala ko.

"Thank you best."

Nginitian ko lang si Ems.

Medyo kinakabahan ako sa gagawin namin. Pano nasanay kami na kami ang kumukuha ng mga larawan ng iba. Ngayon kami naman ang kukuhanan na parang model. Hay naku! Di pa naman ako magaling mag pose.

"Kung bakit naman kasi eto unang pinagawa satin. Hindi ako ready." reklamo ni Emmie.

Sus di daw ready pero todo make-up naman siya. Buti nga siya nakapagayos na samantalang ako hindi pa.

Maalala ko si Jean. Napabuntong hininga ako.

Nilabas ko na yong make-up kit ko pero parang wala ako sa sarili, di ko alam alin ang una kong lalagyan ng make-up. Hmmm ah eto.

"Ems?" tawag ko sa kanya habang nag-a-apply ako ng liquid foundation dito sa mukha ko.

"Oh?"

"Pano mo ba masasabi kung may gusto sayo ang isang tao?"

"Sus si Lyndon ba?"

"Ha ah Oo? Oo!"

Tumango-tango na lang ako.

Ang totoo hindi naman si Lyndon ang nasa isip ko kundi si-si Jean, tungkol sa sinabi niya.

"Instinct lang yan best. Nararamdaman mo ba na masaya siya kapag magkasama kayo? Kung may mga espesyal na bagay siyang ginagawa para sayo, at yong effort niya para mapangiti ka. Mga ganong bagay best."

Masaya?

Hindi ko sigurado kasi lagi naman kaming nagaaway na dalawa pag magkasama kami. Kaya tingin ko hindi naman siya masaya, maliban na lang siguro pag nagagawa niya akong asarin. Palagay ko don siya sumasaya.

Espesyal?

Ano namang espesyal ang ginawa sakin ng babaeng yon maliban sa pagpapamasahe ng pwet niya sakin? Hindi naman espesyal yon kundi pangaasar lang ulit.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon