Chapter 54

44.5K 977 46
                                    

Jean Kaye Emerson

ABALA ako sa panunuod ng video dito sa laptop nong marinig kong may pumasok na sasakyan sa gate. Tumayo muna ako sa kinauupuan ko at sumilip dito sa bintana. Nakita ko si Jo na palabas ng sasakyan niya.

Napatingin ako sa suot kong relo, 4AM. Napakunot-noo ako dahil napakaaga pa lang andito na siya.

Agad akong bumalik sa kinauupuan ko saka ipinagpatuloy ang panunuod.

"Up already?"tanong niya nong buksan niya ang pinto ng kwarto ko.

"Bakit ang aga mo atang napasugod dito?"tanong ko ng hindi lumilingon sa kanya, nakatutok lang ako sa screen ng laptop.

"Naisip kong gising ka na kaya pumunta na ako rito."

Gising ako magdamag kaya kahit anong oras pumunta si Jo dito ay madadatnan talaga niya akong dilat ang mata.

"Hindi ka ba nakatulog? Mukhang puyat ka."tanong ko nong masulyapan ko na siya.

Umiling ito saka humikab.

"Ako lang ba ang puyat? Halatang  hindi ka rin naman natulog. Tsaka isa pa, tinapos ko yong assignment natin kagabi. Grabe kasi nahihirapan ako."sagot niya saka siya humiga at nag-unan dito sa lap ko.

"Bakit di ka pumunta rito kagabi para naturuan kita."napasandal ako dito sa kinauupuan ko habang tutok ulit ang mata ko sa pinapanuod ko.

"Eh, nag eemote ka pa kaya di na ako pumunta rito. Si Jill dapat ang pupuntahan ko kaso kasama niya si Anne kaya sinolo ko na lang kagabi yong paggawa ng assignment kahit mahirap."

"Hindi ako nag e-emote, kaartehan mo pwede ka namang pumunta rito. Saglit nga, magpapahanda muna ako ng breakfast para sabay na tayong kumain."

Tumayo ako at iniwan ko si Jo na nakahiga sa sofa.

Nagpahanda ako ng kape at sandwich para sa aming dalawa.

"Manang paki-serve na lang po sa veranda. Don kami kakain ni Jo."

"Opo, Ma'am Jean." Sagot ng kasambahay.

Bumalik na ako ng kwarto para iligpit yong laptop at para makaligo na rin.

Pagbalik ko ng room napansin kong nakapikit na si Jo. Hinayaan ko na lang muna siya, kumuha lang ako ng blanket para sa kanya at para maging komportable ang pagtulog niya.

Pagkatapos kong iligpit yong lappy pumasok naman ako ng banyo saka naghubad at tumapat dito sa shower.

Ito na lang ata nagpapagaan ng pakiramdam ko. Ang maligamgam na tubig na bumubuhos sa katawan ko.

Napapikit ako saka ko hinawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

Tumingala ako at itinapat ko ang mukha ko sa shower. Patuloy lang ang pagbuhos nito, dinadama ko ang bawat pagpatak ng tubig habang iniisip kung paano magiging normal ulit ang buhay ko.

Paano nga ba maging normal?

Mula ng makilala ko si Mira Jane hindi na naging normal pa ang buhay ko.

Nakakatawa lang, dahil ngayon lang talaga ako nabaliw ng ganito sa isang babae. Hindi ako makatulog, hindi ako makakain ng maayos pakiramdam ko wala na akong ganang mabuhay.

Minsan naiisip kong palitan na lang siya maghanap na lang ako ng ibang babae para masaya at balik sa dati ang buhay ko. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko hindi ko namang magawa na palitan siya. Nakokontrol na ako ng damdamin ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

Napayuko ako at naghaplos ng mukha.

Sa bawat pagpikit at pagdilat ng mata ko si Mira Jane lagi ang naiisip ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon