Chapter 29

88K 1.3K 168
                                    

Mira Jane Garcia

KASAMA ko ngayon si Jean na naglalakad dito sa Mall. Hawak niya ang kamay ko kaya medyo naiilang ako, paano naman kasi lahat ata ng makasalubong naming estudyante kilala siya. Sabagay sino ba namang hindi nakakakilala sa impaktong 'to kabilang siya sa pinakasikat na Women's Volleyball Team, maliban don kabilang ang pamilya niya sa pinakamayaman dito sa bansa. Kailan ko lang din nalaman iyon, akala ko sikat siya dahil barkada niya sina Jillian Fuentes at Johansen Latrel pero hindi ko inaaakalang may mas malalim pang dahilan kung bakit siya tinitingala ng mga tao, lalo na ng mga estudyanteng kagaya namin. Dati wala naman akong paki-alam sa kanila dahil hindi talaga ako mahilig sa sports pero habang tumatagal marami na akong nalalaman tungkol sa kanilang tatlo lalo na kay Jean Kaye. Hindi ko talaga akalaing magiging kasundo ko ang taong to. 

Hmm? Kasundo? 

Nawala sa isip ko, mas madalas pala na magkaaway kami kaya hindi bagay yong term na 'kasundo'. Dapat pala 'ka-away'. Ou, tama. Magkaaway kami.

Madalas napapatingin ang iba sa kamay namin na magkahawak at kung saan niya gustong pumunta napapasunod na lang ako dahil ayaw niya akong bitawan.

Hinila niya ako pasakay ng elevator.

"May tanong ako banyo queen."sabi niya kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Ano na naman? Baka kalokohan na naman yan ha?"

"Chill! High-blood ka agad eh. Gusto ko lang malaman kung ano ang itatawag ko sayo pag naging tayo?"

Pagkasara ng pinto inakbayan naman niya ako, buti nalang kaming dalawa lang ang nakasakay dito.

"Yon ay kung magiging tayo."sagot ko sabay piksi ng katawan ko kaso walang epekto hindi siya dumistansya, nakaakbay pa rin siya sakin.

"Bakit malabo ba talagang maging tayo?" tanong niya sabay halik sa pisngi ko.

"Ano ka ba! Baka may CCTV dito makita pa tayo!"

"Aba swerte mo pag nakuhanan tayo dahil may nangahas na halikan ka!!" natatawang sabi niya saka dinampian na naman ng halik ang ilong ko. Jusko! Di ba talaga titigil sa panghaharot sakin ang taong to?!

Masyado ata siyang nagagandahan sakin 'no?

"Pano kung ayoko talaga na maging tayo?"  

Iiling-iling siya.

"Hindi pwede, kahit bilhin pa kita sa Nanay mo. Maging akin ka lang."

"At ano namang tingin mo sakin,  isda?! Binibili lang?!"

"You're so funny talaga banyo queen. Ngayon mo lang ba nalaman na isda ka? Malapit na nga kitang kainin eh."

Ano bang pinagsasabi ng taong to?! Kainin niya mukha niya!

"Ano kaya kung tigilan mo ako. Wala ka ng ginawa kundi asarin ako!Ayyy ano ba!"

Tama bang sundutin niya ang tagiliran ko! Hinampas-hampas ko nga yong braso niya.

"Hey! Stop! Nananakit ka na!"

"Kasi kiniliti mo ako! Ayaw mo akong tigilan!"

"Bakit ba! Gusto kitang kilitiin eh."

"Ewan ko sayo!" Tumalikod ako sa kanya saka ako humakbang malapit sa pinto ng elevator kaso naramdaman kong dumikit siya sa likod ko.

"Sorry na, di na ako mangingiliti."

Hindi daw siya mangingiliti pero ano tong ginagawa niya sakin? Niyakap niya ako habang dinadampian ng halik ang leeg ko. Para tuloy may kung anong gumagapang sa balat ko at ramdam ko yong pagtayo ng balahibo ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon