Chapter 101

23.7K 668 83
                                    

Mira Jane Garcia


ANG bilis ng mga pangyayari. Mula nong araw na iyon wala na akong narinig pa na pagtutol mula sa magulang ni Jean Kaye sa relasyon namin. Si Mama tanggap na rin kami pero si Kuya Seg laging galit pag nakikita kaming magkasama na dalawa ni Jean Kaye. Pero hinahayaan na lang namin si Kuya. Pinaglihi kasi yon sa galit.

"Bilisan mo! Mali-late na tayo!"sigaw ni Ems na nasa loob ng taxi.

"Saglit lang. Binalot ko pa kasi tong regalo na ibibigay ko sa kanya."

"Ano ba yan?"

"Regalo ko kay Jean Kaye."

"Ano nga?"

"Cookies at cup cakes."

"Juice ko. Buti kung di bumula bibig niya diyan."

"Grabe ka. Kahit papaano natuto na akong gumawa nito."

"Kawawang Jean Kaye."natatawang sabi ni Ems.

Wala siyang ginawa kundi asarin ako habang nasa byahe kami.

Nagmamadali kaming tumakbo dahil mali-late na kami sa graduation ceremony nila Jean Kaye. Kailangan maabutan namin yon.

Nagpa-reserved ito ng dalawang upuan para sa amin ni Ems.

Pareho silang Laude ni Anne at natatanaw namin sila mula rito sa kinauupuan namin. Nakita ko rin ang parents niya kasama ang parents nila Johansen at Jillian.

"Ang talino talaga ng jowa mo, no?"

"Matalino talaga yan kaya nga ako ang minahal niyan, eh."

"Wow! Wala akong ma-say. Ibang level talaga ang bestfriend ko."

Tawang tawa si Ems na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Nakatingin ako kay Jean Kaye at nong mapatingin siya sa amin ay kumaway ako sa kanya. Kumaway din ito sa amin.

Ang saya ko na makita syang nakatoga. Graduate na ang impakto. Nakakatuwa na nakakalungkot. Kasi ako isang taon pa bago matapos sa pag aaral. Hindi ko na siya makakasama sa school. Pero ganon pa man masaya ako kasi natapos na siya.

"Congratulations impakto!"sabi ko sa kanya nong lumapit ito sa akin katatapos lang ng ceremony.

"Thank you"sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit. "Para sa iyo to, Mira Jane."

Binigay niya sakin yong diploma niya at sinuot sakin yong cap na suot niya.

"Thank you."masayang sagot ko saka ko ibinigay sa kanya yong gift ko.

Hinalikan ako nito kaya puro tukso ang natanggap namin sa mga kaibigan niya pati na rin kay Ems.

After ng graduation ay nagyaya pa silang kumain. Ang dami namin kaya napakaingay. Kumpleto ang barkada ni Jean Kaye at kasama rin si Ems at ang bf neto na humabol na lang rito sa restaurant.

Ang dami nilang order kaya napakain kaming lahat. Dahil na ata sa gutom, ang tagal kasi matapos nong graduation ceremony nila kanina.

"Thank you rito sa gift, Mira Jane."

Nakaakbay sakin si Jean Kaye habang naglalakad kami papuntang parking nong matapos kaming kumain. Nagsi-uwian na rin yong iba.

"Walang ano man. Anong plano mo ngayon?"tanong ko.

"Mhmm? Uhhh plans....honestly, kinausap ako ni Dad na pumunta sa States para don pag aralan yong business."

May naramdaman akong kirot sa sinabi niya. Parang ang bigat kasi sa dibdib kapag naiisip kong aalis siya ng bansa.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon