Chapter 20

97.3K 1.2K 176
                                    

Mira Jane Garcia

MALALALIM ang bawat hininga ko habang nakahiga at yakap ni Jean. Gusto kong lumayo sa kanya pero dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko ngayon parang gusto ko pang sumiksik lalo sa katawan niya. Tulog na siya at ramdam ko ang bawat hininga niya sa batok ko, ang malambot na balat niya at ang dibdib niya ay ramdam na ramdam ko, dumidiin ito sa likod ko kaya hindi ako basta-basta makakakilos. Wala naman akong nararamdamang kakaiba basta wag lang niyang hahawakan yong private parts ko dahil bibigwasan ko talaga siya.

"Mmmmm banyo queen gising ka na?"

Bigla kong hinawakan ang mga kamay niya dahil baka may mahawakan siyang hindi dapat.

"Sobrang lamig, ayaw mo bang yumakap sa akin?" tanong ulit niya.

Hindi pa rin ako sumagot tahimik lang ako.

"Mira, harap ka sa akin. Yayakapin kita. Sobrang lamig."

"Ayoko." tanggi ko sa kanya.

"Gusto mo bang mamatay tayo sa lamig? o gusto mong matigok na virgin? Lika na."

Eii kainis talaga tong impaktong 'to! Wala na akong nagawa nong pilitin niya akong humarap sa kanya saka niya ako niyakap ng mahigpit. Para akong mamamatay sa kahihiyan dahil yong dibdib niya ay nakalapat na sa dibdib ko. Ayoko mang aminin pero mas mainit sa pakiramdam kapag sa ganitong posisyon kami.

"Matulog ka na, wag kang magalala dahil hindi ako sinasapian ngayon kaya wag kang matakot."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Basta tulog na."

Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Nakadantay yong isang paa niya sa binti ko kaya medyo nabawasan konti yong lamig na nararamdaman ko.

Pinilit ko ng matulog habang yakap ng impaktong 'to.

...

"GISING na banyo queen. Gusto mo bihisan kita?"

Pagbukas ng mga mata ko nakita ko agad si Jean na nakangiti sa akin. Nakaupo siya dito sa gilid ng kama.

Bihisan?

"Oh my gosh!!!" sigaw ko at agad akong bumaluktot. Saka ko lang naalalang hubo't hubad pa ako.

"Jean please tumalikod ka! Nakahubad pa ako!"

"I know at nakikita ko naman eh. Anong akala mo sa akin bulag?"

"Ihhh Jean!!!!"

"Okay okay okay. Tatalikod na."

Inabot niya sakin yong damit ko pagtalikod niya.

"Umamin ka impakto. Tinitigan mo ba ako habang natutulog?"

"Hmmmm ah eh Oo ahahaha. "

"Walang'ya ka!"

"Eh anong magagawa ko. Ako naunang nagising!"

Halos mangiyak-ngiyak ako. Wala pang nakakakita sa hubad kong katawan pero ngayon.hay! Pakiramdam ko hindi na ako virgin dahil sa bwisit na Jean na 'to!

Mabilis akong nagbihis saka bumaba ng kama.

"Mira san ka pupunta?!"

Pinigilan niya ako dahil lalabas na ako ng pinto, dala-dala tong gamit ko.

"Uuwi na ako dahil naiinis ako sayo!"

"Bakit na naman? Ano na naman ba ang kasalanan ko?!"

"Dahil nakita mo na akong hubad!"

"Oh eh ano naman? Nakita mo na rin naman akong hubad ah! Tsaka hindi naman kita hinawakan at dinilaan-aray!"

Hinampas ko yong braso niya dahil sa sinabi niya. Ang bastos ng bunganga niya!

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon