Chapter 26

75.1K 1K 79
                                    

Mira Jane Garcia

"I'll do everything to win your heart, Mira."

Iyon ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko hanggang ngayon. Dati kapag naiisip ko yong unang tagpo namin ni Jean, talagang diring-diri ako at 'pag nakikita ko siya, matinding inis ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong napapalapit sa kanya dahil kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko siya, pero ewan ko ba kung bakit lahat ng iyon ay nag-iba. Yong dating Jean na kinamumuhian ko, ngayon siya ang laging nakakasama ko. Yong dating Jean na walang ginawa kundi asarin ako, ngayon siya ang nandiyan para i-review ako. Marami ng nagbago sa maikling panahon na nagkakasama kami, yong dating awayan namin ngayon medyo nabawasan na dahil nasasanay na rin akong andiyan siya. Yong isang di sinasadyang halik ay nasundan pa, hindi lang isa kundi maraming beses na. Wala akong magawa kundi ipaubaya ang mga labi ko sa kanya. Hindi ko man yon kagustuhan pero parang may sariling isip ang mga labi ko dahil kusa itong gumaganti sa mga halik niya. At ang nakakatawa sa lahat, pinipilit niya akong maging GF niya. Ewan, minsan mukha naman siyang sincere pero hay! Hindi ko naman pinangarap na magkaGF ano! Parehas kaming may boobs, ang malaking tanong don ay kung anong gagawin ko sa boobs niya?! Hindi ko ata maimagine na hinahawakan ko yong dibdib ni Jean at kahit nahalikan na niya ako, hindi ko talaga magagawang humawak ng boobs.

Eiii! Ano ba naman tong naiisip ko! Bakit bigla namang pumasok sa isip ko yong boobs ng impaktong yon?!

"Best, baka tumulo na yang laway mo. Kanina ka pa nakanganga diyan! Si Jean na naman yan no?"

Napasubsob ako dito sa desk ko saka nag-angat ulit ng ulo. Pano kaya nalaman ni Ems na si Jean ang iniisip ko?

Nakakatakot na talaga tong bestfriend ko, dahil nababasa niya ang nilalaman ng isip ko!

"Di naman ako nakanganga eh!"

"Nakanganga ka kaya. Ay siya nga pala best magpapaayos ako ng buhok this weekend, sama ka. Treat ko."

"Hmm? Wag na Ems, wala ng pag-asa tong buhok ko.....ahhh...araaay!"

Walang hiya talaga tong si Ems, kinutusan ba naman ako!

"Ang arte mo! Basta sasama ka! Kapag di ka sumama sakin magtatampo ako sayo."

Hay naku! Bakit kasi kailangan pa niyang magpaayos ng buhok. Ang ganda na nga niya. Kung tutuusin mukha lang akong P.A. netong bestfriend ko.

"Hoy best! Sasama ka sakin! Tingnan mo nga yang buhok mo ang dry tingnan. Kailangan mo din minsan magpaganda!"

Grabe naman siya! Mukha ba talaga akong pangit?!

"Ou na! Basta treat mo dahil wala akong budget para sa pagpapa-ayos ng buhok. Siguradong hindi ako bibigyan ni Mama ng pera, sasabihin lang niyang maglalandi na naman ako."

"Sure best! Ako ng bahala or mas mabuting sabihin kong si bf na lang ang bahala." sabi niya saka biglang tumawa.

Napapailing na lang ako dito sa bestfriend ko. Maliban sa maganda na siya magaling pa siyang mang-uto ng boyfriend.

Dumating ang weekend at nagmamadali akong magbihis dahil pupunta kami ng parlor ni Ems kasama ang boyfriend niya. Nong matapos ako bumaba na agad ako ng hagdan, naabutan ko pa si Mama na nanunuod dito sa sala.

"Ma! Lalabas ako ha, magkikita kami ni Ems." sinusuot ko tong tom shoes ko habang nagpapaalam kay Mama.

"Oh san na naman kayo pupunta?"

"Sa parlor po, magpapayos ng buhok."

"At bakit?! Hoy Mira Jane ha! Wag mong paiiksihan yang buhok mo at baka mamaya pag uwi mo may kulay na yan! Naku palalayasin kita ng di oras dito sa bahay!"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon