Chapter 72

33.6K 942 189
                                    

Jean Kaye Emerson

PALUBOG pa lang ang araw nong makarating ako rito sa apartment ni Anne. Naabutan ko siyang naghahanda ng mga sangkap para sa lulutuin niya.

"Parang hindi ko maalalang inimbitahan kita rito?"yon ang bungad sakin ng malditang si Anne nong pumasok ako rito sa pintuan ng apartment niya.

"Kahit hindi mo ako imbitahan pupunta pa rin ako rito kung gusto ko."

"Ganon? Sabagay kailangan ko ang tulong mo."

"Ayaw kitang tulungan."sagot ko saka ako umupo rito sa sofa niya, binuksan ko ang TV at nilakasan ang volume.

"Wala pa kasi si Jillian, umuwi sa bahay nila. Mamaya pa siya makakapunta rito."

"So?"

"Hugasan mo nga yong mga nagamit kong plato sa lababo. Para malinis. Ayoko kasi ng marumi."

"Hindi ako si Jill na kaya mong utuin. Nagpunta lang ako rito para makausap si Mira Jane. Tsaka sino bang nagkalat diyan? Hindi ba't ikaw? Eh di ikaw ang maglinis ng kalat mo."

"Kung ganon umuwi kana kung ayaw mong itarak ko sa lalamunan mo tong kutsilyong hawak ko."

Padabog akong tumayo saka lumapit sa kanya.

"Kakaiba ka talagang babae ka. Kung bakit kasi na in love pa sa iyo yong kaibigan ko. Tsk tsk. Kawawang Jill hindi niya alam na isang kriminal ang gelpren niya."

"May sinasabi ka?"

"Wala. Alin ba ang huhugasan ko dito?"

"Lahat yan."

"Ano?! Lahat to?! May catering ka ba? Bakit ganito karami 'to!"

"Sisihin mo ang mga kaibigan mo. Dahil sila ang nagrequest ng tatlong putahe sakin kaya marami akong nagamit na lalagyan."

"Leche naman, oh. Sana pala nagpa-late na lang ako ng dating."

"Mamaya lang siguro andito na si Mira Jane."

"Talaga?! Kung ganon tatapusin ko agad 'to."

Nagsimula na akong maghugas.

Masakit mang isipin na mas pinagbibigyan pa ni Mira Jane tong mga hinayupak na mga kaibigan ko wala akong magawa kundi ang intindihin siya. Kung hindi ko lang mahal yong banyo queen na yon. Kainis!

"Anne?"tawag ko kay Anne habang abala ito sa paghihiwa ng mga gulay sa lamesa.

"Mhmm?"

"Di ba kasama niyo si Mira Jane nong isang gabi?Galit ba siya sa akin?"

"Malay ko."sagot niya.

"Yong totoo naman Anne. Hindi tayo close pero sagutin mo naman ng maayos yong tanong ko. Nakakapagtaka kasi na sumasama siya sa inyo nang hindi siya nagsasabi sa akin."

"Kung ako man si Mira Jane iniwan na kita."

"At bakit?"

"Dahil manlokoko ka. Hindi ka dapat pinagkakatiwalaan."

"Wow ah. Pagkatapos mo akong utusan maghugas yan pa ang maririnig ko mula sayo. Thank you, ha?"

"Eto pa. Pakihugasan na rin."

Naningkit ang mata ko.

"Bwiset na babaeng 'to."

"May sinasabi ka?"

"Wala po, Manang Anne."

"Manang-in mo pa ako. Sisiraan talaga kita kay Mira Jane."

"Eto naman oh, di na mabiro. Eto lang ba ang huhugasan ko? Napakakonti naman. Dagdagan mo pa kaya."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon