Chapter 78

29.9K 797 101
                                    

Mira Jane Garcia

"KUYA SEG bilisan mo na. Tanghali na, oh! Baka ma-late ako."tawag ko sa kanya mula rito sa labas ng gate. Mabilis naman siyang lumabas ng bahay habang tinutulak ang motor niya.

"Sige sakay ka na at kumapit kang mabuti."sabi nito paglabas niya ng gate saka niya isinuot ang helmet at umibis na ang takbo ng motor. Nakahawak akong mabuti dito sa bewang niya habang naka-angkas dito sa likuran.

Pakiramdam ko nakawala ako sa hawla dahil pagkalabas ko ng hospital isang buong araw pa akong nagkulong sa bahay.

Ang sarap sa pakiramdam na nakakakilos na ako ng maayos hindi katulad nong mga nakaraang araw maghapon akong nakahiga sa kama at wala akong ibang ginawa kundi makinig sa ingay ng paligid ko at sa pangangaral ni Mama at ni Kuya.

Ilang minuto din ang naging byahe namin ni Kuya.

"Kapag nagkapera ako bibili ako ng kotse para hindi na tayo magtyatyaga sa motor."sabi ni Kuya paghinto niya ng motor dito sa tapat ng campus.

"Tapos bigyan mo ako ng maraming pera Kuya, ha?"sabi ko paghubad ko ng helmet.

"Mukha ka talagang pera. Ayusin mo yang pag aaral mo. Ang laki ng binabayarang tuition ni Mama kaya dapat mag aral kang mabuti."

"Nag aaral naman akong mabuti. Kahit tingnan mo yong mga grades ko wala akong bagsak."sagot ko.

"Wala ka ngang bagsak pero puro pasang-awa naman yang mga grades mo! Mag aral ka hindi yang paglalandi sa kapwa babae ang ginagawa mo."

"Hindi naman, eh."

"Tsaka pwede ba iiwasan mo yang Emerson na yan. Bad influence yong taong yon. Tingnan mo pati katomboyan natututunan mo na. Mamaya pag uwi sasabay ka sa akin, naintindihan mo?"

Tumango tango lang ako pagkatapos ng mahabang sermon ni Kuya.

"Papasok na ako sa loob, Kuya."

"Okay sige. Susunduin kita mamayang hapon. Pupuntahan ko muna yong mga barkada ko sa bilyaran."

Sus! Puro talaga siya barkada.

"Ay Kuya! Saglit." paalis na ito nong tawagin ko siya.

"Bakit?"

"Dagdagan mo muna tong baon ko."

"Ano?! Binigyan ka na nga ni Mama, ah."

"Sige na. Kailangan kong kumain ng marami para lumakas na ako at makahabol ako sa mga lessons."

Napapailing ito habang dumudukot sa bulsa niya. Di talaga niya ako matitiis kaya napapangiti ako.

"O iyan, one hundred."

"One hundred?! Ang kuripot mo naman. Gawin mong five hundred sige na Kuya Seg."

"Okay na yan. Bumili ka na lang ng sandwich. Talo ako sa pustahan sa boxing kagabi kaya wala akong pera."

"Lagi ka na lang nakikipag pustahan. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong magpasalamat o magreklamo dahil naging kapatid kita. Napaka kuripot mo."

"Ako dapat ang magsabi niyan, ah!"tutuktukan sana niya ako pero mabilis akong umiwas.

Napasimangot na lang ako nong umalis ito.

Di bale na nga lang! Kesa wala.

Kung tinanggap ko lang yong offer ng Mommy ni Jean Kaye, mayaman na ako ngayon at si Kuya na ang magmamakaawa sa akin na bigyan siya ng pera at araw araw akong magsho-shopping. Yon nga lang wala na akong impakto ngayon kapag tinanggap ko iyon.

Sinuot ko na ang ID ko saka ako pumasok ng gate.

Grabe! Ilang araw ko ding hindi nakita ang campus at ang mga kaklase ko lalo na si Emmie. Makikita ko na ulit sila.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon