Chapter 64

35.7K 966 125
                                    

Mira Jane Garcia

Naging maayos na ulit ang samahan namin ni Jean pero kami ng Kuya ko para kaming aso't pusa.

Dahil mas nakakatanda siya sa akin sinusunod ko na lang siya pero hindi sa lahat ng oras at lalong lalo na hindi sa lahat ng bagay.

"Kuya akin na kasi yong cellphone ko!"pangungulit ko sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Pawis na pawis siya. Mukhang kagagaling lang niya sa paglalaro ng basketball.

"Hiwalayan mo muna si Emerson bago ko ibigay sayo yong phone mo."

"Eiiii....nakakainis ka kahit kailan. Dali na Kuya akin na kasi yong phone ko."

"Kapag nahiwalayan mo na siya saka ko lang ibibigay sayo, malinaw?"

"Hay!"

Padabog akong umakyat ng kwarto at dito na lang ako nagmukmok sa kama.

Hindi ko man lang magawang i-text si Jean. Hindi ko man lang marinig ang boses niya bago ako matulog. Ang hirap naman ng ganito.

Pakiramdam ko ang tagal lumipas ng oras at parang napaka haba ng gabi.

Napalingon ako sa may pintuan nong marinig kong may kumakatok.

"Mira?"

Si Mama.

"Po?"

Agad akong tumayo at pinagbuksan siya.

"Naghapunan ka na ba?"tanong niya habang nakasilip dito sa pintuan.

"Wala po akong ganang kumain, Ma. Itutulog ko na lang po."

"Naku bata ka. Magkakasakit ka niyan. Tara sabay na tayong kumain. Dali na."

"Sige po."

Sumunod na lang ako kay Mama dahil siguradong mangungulit siya pag di ako kumain.

"Kumusta na ba ang pag aaral mo?"

"Okay lang po."matamlay na sagot ko sa kanya habang nagsasandok ng kanin.

"Nasan na ba yang Kuya mo? Tawagin mo na."

Sumimangot lang ako.

"Nag aaway na naman ba kayo?"

"Kinuha kasi niya yong phone ko."

"Oh eh bakit?"

"Gusto kasi niyang hiwalayan ko si Jean bago niya ibalik ang phone ko."

"Bakit hindi mo na lang kasi sundin ang Kuya mo?"

"Ma naman."

"Eh kesa naman nag aaway kayo lagi ng Kuya mo."

"Ma, ayokong magaya sayo kaya mas gusto ko si Jean."pagmamatigas ko.

"Mira, hindi naman lahat ng lalake katulad ng tatay mo."

"At ni Kuya."dugtong ko.

"Naku ikaw talagang bata ka."

"Ma, hindi naman masamang tao si Jean."

"May sinabi ba ako?"

"Eh bakit ayaw niyo sa kanya?"

"Kasi walang forever! Ay siya, kumain ka na nga bata ka. Puro ka kalandian."

"Kasi naman, eh. Yong phone ko ayaw pang isoli ni Kuya sakin. "

"Problema mo na yan. Naku.......Mira Jane ha. Unahin mo yang pag aaral bago yang paglalandi! Nagpapakahirap ako para sa pag aaral niyo pero yang kalandian lang ang inuuna niyo."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon