Chapter 38

51.9K 1.1K 76
                                    

Jean Kaye Emerson

"Damn!" Halos madurog tong shot glass na hawak ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko! Ni katiting hindi man lang niya naisip yong mararamdaman ko! Damn! Kung bakit kasi ang lakas ng loob kong alamin pa kung ano ang totoong nararamdaman niya, alam ko na ngang wala akong puwang sa puso niya!

"Jean tama na yan. Ang dami mo ng nainom."

"Wag mo akong paki-alaman Ellaine. May pangbayad ako sa lahat ng iniinom ko kaya pwede ba iwanan mo na lang ako!" pagtataboy ko sa kanya.

Ayokong kinakausap ako ng kahit sino basta ang gusto ko uminom, uminom ng uminom hanggang sa mamanhid ang utak ko at makalimutan ko yong babaeng yon!

Damn you, Mira! Hindi mo alam kung gaano mo ako nasasaktan!

Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasakit, magmamahal ka ng totoo pero ganito lang pala aabutin ko! Nasaan ang hustisiya don? Bakit ipinagkakait sa akin na mahalin ako ng taong mahal ko? Dahil masama ako? Dahil marami akong niloko? Wala akong kwenta. Ganon ba yon?!

"Jean! May pasok pa tayo bukas, ihahatid na kita."

Hindi ko malaman kung bakit bigla na lang sumulpot si Jo sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin, nagorder lang ulit ako ng alak saka ko itinuloy ang pag-inom ko. 

"Jean may problema ba? Pwede mo namang sabihin sa akin."

Umiling-iling lang ako saka ako nagshot. 

"Napipilitan lang siyang kasama ako dahil naawa siya sa akin.." 

"Jean, anong sinasabi mo? Ihahatid na kita."

Umiling ulit ako.

"Paano mo ba patitigilin ang pusong nagmamahal?" wala sa loob kong nasabi saka ako nagshot ulit.

Tinitigan lang ako ni Jo at pilit na inaagaw tong shot glass na hawak ko.

Walang laman ang utak ko kundi yong sinabi ni Mira sa akin. Naawa siya sakin? Damn! Sa tanang buhay ko hindi ko naramdaman na kinaawaan ako pero siya....ang lakas ng loob niya na sabihin yon sa akin! Matatanggap ko pa kung hindi niya ako mahalin dahil mayabang ako pero yong kaawaan ako? Sh*t lang!

"Damn!" sigaw ko dahil halos maiyak ako sa sakit na nararamdaman ko.

Tumayo na ako saka ako naglakad palabas ng Bar.

"Jean, ano ba! Makinig ka naman sa akin!" 

"Bitawan mo ako, Jo! Okay lang ako, kaya ko ang sarili ko naintindihan mo!"

Tinulak ko siya at pinilit kong makarating sa kotse ko kahit gegewang-gewang ako.

Damn you, Mira! minahal kita pero eto lang igaganti mo sa akin! At ikaw pa may ganang magsabi ng mga salitang yon?! 

Halos masubsob ako nong malapit na ako sa kotse ko pero bigla na lang nagdilim ang lahat.

...

"MA'AM JEAN, gising na po. Baka malate po kayo sa klase niyo."

Napakurap-kurap ako saka ko kinusot ang mata ko pero parang umiikot ang buong paligid ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kasambahay dahil wala akong matandaan. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay.

"Ma'am hinatid po kayo ni Ma'am Jo kagabi dahil lasing na lasing po kayo."

Doon ko lang naalala ang lahat, pati na yong mga sinabi sa akin ni Mira. Bumalik na naman yong sakin. Dapat pala hindi na ako nagising! 

"Nakahanda na po yong agahan niyo Ma'am Jean."

Tumango lang ako saka ko pinilit na tumayo at nagtungo ako ng banyo. Ang tagal kong nakatayo, halos hindi ko maigalaw ang mga paa at kamay ko pero pinilit kong maligo dahil ayokong dito tumigil ang mundo ko.

Napapasabunot ako sa buhok ko habang inaalala yong mga sinabi sakin ni Mira. Masakit pala tong sinasabi nilang pag-ibig! Kung bakit ko pa kasi to pinasok, samantalang ang sarap ng buhay ko noon! Walang problema at walang sakit, katulad ng nararamdaman ko ngayon.  Minsan lang ako magmahal pero eto lang pala, eto lang ang mapapala ko sa pagmamahal na yan! Damn! Hindi ko matanggap!  Kung wala lang kaming laro baka pinagsusuntok ko na itong pader!

Wala akong kagana-ganang pumasok sa school, hindi katulad dati na kulang na lang hilain ko ang bawat oras para makita lang siya pero ngayon pakiramdam ko parang wala ng halaga ang lahat. 

Matagal bago ako lumabas ng kotse nong makarating ako dito sa Campus. Madalas akong tulala at wala sa sarili pero pinilit kong kumilos.

"Jean buti nakaya mong pumasok?" tanong agad ni jo pagkababa ko ng sasakyan.

"Anong nangyari sayo?" tanong naman ni Jill pero ni isa sa kanila hindi ko pinansin. Nakatingin lang ako sa isang babae na naglalakad...ni hindi man lang niya ako nagawang lingunin. 

Damn you banyo queen..kung pwede lang kitang durugin..dudurugin talaga kita....gusto kong gumanti sa pananakit mo sakin pero hindi ko magawa dahil mahal kita. Damn! Ikaw pa ang may ganang umiwas sa akin!

Wala akong imik na naglakad papuntang classroom, nahalata kong nagsisikuan yong dalawa at nagtatanguan pero hindi ko sila pinansin. Diretso lang ako sa paglalakad, hinayaan ko lang silang pag-usapan ako at hulaan kung anong nangyayari sa akin.

Halos mabaliw ako sa pag-iisip. Kahit nasa loob ng klase parang lumulutang ang utak ko. Araw-araw para akong unti-unting pinapatay dahil sa pag-iwas niya sa akin. Kung tutuusin ako dapat ang may karapatang umiwas sa kanya kaso anong magagawa ko, hindi niya ako mahal. Anong isusumbat ko sa kanya? Wala, dahil umpisa palang wala na siyang paki-alam sa akin. 

Sobrang sakit lang talaga.

.....

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon