Chapter 6

112K 1.3K 86
                                    

Mira Jane Garcia

"My first kiss was a girl"

Weeeew!

Para na akong adik! Halos gabi gabi yong halik pa din na yon ang naiisip ko.

Buti sana kung nag enjoy ako!

Pero hindi eh!

Kapwa ko hinalikan ko!

Akala ko okay na, balewala lang, pero di ko pa din matanggap yong nangyari!

Sana pumayag na lang akong pahalik kay Raymond ang lalaking 9 months na nanligaw sakin pero sa bandang huli binusted ko lang din.

O kaya..

Si Edgar ang lalaking nakabraces, guapo kaya lang mas matangkad ako kaya binusted ko din at yong iba pang lalaki!

Hay naku!

Nakakabaliw!

Bat ngayon naiisip ko na yong mga lalaking yon! Bwisit talaga.

"Hoy Best ano ba nangyayari sayo? Tulala ka na naman." si Emmie, kararating lang niya. Dito kami ngayon nakaupo sa bench. Hinihintay namin na mag 9:30am para sa 1st subject namin.

Okay lang kaya kung i-share ko sa bestfriend ko na ang first kiss ko ay babae?

Baka sabihin niya YUCK!

Kainis naman.

"Naku best kung gusto mong mabuhay ng matagal aba i-share mo yang problema mo. Madaming namamatay sa Depression!"

Ai naku! Alam na alam talaga niyang may problema ako!

"Emmie may ipagtatapat ako sayo-"

"Naku best wag mong sabihin na tibo ka? At sasabihin mong gusto mo ako?"

Ano daw?

Kapal!

Oo na, maganda si Emmie.. mas matangkad sakin at madalas sumasali siya sa mga pageant. Maputi at balingkinitan ang katawan pero ewww di ako naaattract sa bestfriend ko noh!

"Hindi ako tibo!"

"Ano pala? Buntis ka?"

"Hay pano naman ako màbubuntis ei nobyo nga wala ako!"

"Hmm ano nga?"

Huminga ako ng malalim saka ko siya tinitigan sa mata.

"Ems may first kiss na ako"

"Talaga? Let's celebrate! Akala ko naman magpapaka tandang dalaga ka na!" natatawa niyang sabi.

"Hindi naman ako magpapaka tandang dalaga ah."

"E di mabuti! At masaya ako may naglakas ng loob na halikan ka"

"Ems ang masaklap babae ang first kiss ko"

Halos maibuga niya sa mukha ko yong iniinom niyang softdrinks sa narinig niya.

"Shet! Tu-tomboy ka nga Mirajane!"

"Eiii hindi hindi!"

Umiling iling ako.

"Ei bat ka makikipag halikan sa babae?"

"Aksidente, sa CR."

Halatang di siya makapaniwala sa sinasabi ko. Panatag naman yong loob ko kay Emmie dahil di ito daldalera. Matagal na din kaming magkaibigan. Kaya may tiwala akong di siya magdadaldal about sa sini-share ko sa kanya.

"Sino?"

"Ha?"

"Sino yong kahalikan mo!" pinanlakihan pa niya ako ng mata.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon