Chapter 98

34.3K 1K 450
                                    

Jean Kaye Emerson

NAG-AABANG ako rito malapit sa bahay nila Mira Jane, nagbabakasakaling makikita ko siya. Ilang araw na kasi itong umiiwas sa akin kaya sinadya ko na siyang puntahan rito.

Hindi nagtagal ay natatanaw ko na ang isang pamilyar na mukha.

Hindi ako pwedeng magkamali si Mira Jane ang taong iyon na palabas ng gate.

Mabilis akong naglakad papalapit rito.

"Hey...."sambit ko paglapit ko sa kanya.

Halata namang napansin niya ako pero direcho lang ito sa paglalakad.

"Okay lang kung ayaw mong makipag usap sa akin. I uhhh I just want to tell you something."

Shit!

Heto na naman kami sa sitwasyon na ganito. Iiwasan niya ako habang ako eto maghahabol na naman. Pero wala akong pakialam gusto kong maging maayos ulit itong relasyon namin. Yong sinabi ni Anne na kahit bumitaw si Mira Jane hindi dapat ako sumuko.

"Let's talk, Mira Jane. Please?"lumabas din ang totoo sa bibig ko. Gusto ko talaga siyang makausap.

Ganito kagulo ang utak ko ngayon.

Hinawakan ko siya sa kamay at tumigil naman siya sa paglalakad.

"Jean ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang susulpot dito dahil baka makita ka ng Kuya ko at siguradong sasaktan ka non."

"Importante pa ba yon sayo, kung pati ikaw galit sa akin? Hindi ba dapat matuwa ka kasi masasaktan ako? Katulad ng sakit na nararamdaman mo Mira Jane."

"Ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin Jean? Sa tingin mo ba mapapawi ng paghihiganti ang sakit na nararamdaman ko? Yan ba sa tingin mo ang gusto ko? Ang saktan ka? Tsaka wag mong ikumpara yong sakit na mararamdaman ko kapag sinaktan ka ng Kuya ko dahil magkaiba yon!"

"I'm sorry, ang bobo ko kasi pagdating sayo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."

"Saka na tayo mag usap. Gusto ko munang mapag isa." 

Binawi nito ang kamay niya at nagpatuloy ito sa paghakbang.

Bakit ba ayaw niya akong kausapin?

Mahirap ba yong hinihiling ko? Kausapin niya ako yon lang naman!

"Mira Jane!!!! Iiwas ka na naman ba, ha?!!!"sigaw ko.

Nakakuyom ang mga kamao ko dahil tinitimpi ko ang sarili ko. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Itong babaeng ito! Bakit ba ang tigas ng ulo niya!

"Bumalik ka rito Mira Jane!!!!! Kapag hindi ka bumalik, hindi mo na ako makikita kahit kailan!!!! Kahit kailan!!!!"

Sa pagkakataong ito ay mas malakas ang boses ko habang sinisigawan siya.

Napansin ko na bigla siyang huminto sa paglalakad.

Taas baba naman ang dibdib ko dahil sa ginawa kong pagsigaw pero hindi ako nabigo sa gusto kong mangyari nakikita ko nang naglalakad pabalik si Mira Jane papalapit sa akin at kahit ilang metro pa ang pagitan namin ay pansin ko sa mga mata nito ang pagbabadya ng kanyang mga luha.

Hindi ko malaman kung anong dahilan ng pag-uulap ng mga matang iyon. Siguro dahil sa lungkot o dahil sa sobrang galit na nararamdaman nito sa akin.

Hindi ko alam, umaasa pa rin ako na kaya niya akong patawarin at tanggapin sa kabila ng mga sakit na nararamdaman niya ngayon.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon