Chapter 12

100K 1.2K 154
                                    

Mira Jane Garcia

"Tsk! Wag kang magulo banyo queen. Tsaka pwede ba tanggalin mo yang pony-tail mo" bago pa ako makaangal inalis na niya yong tali ng buhok ko saka niya nilugay. Inayos pa talaga niya yong pagkalugay nitong hair ko saka niya ako tinitigan.

Ano bang problema ng impaktong toh pati buhok ko pinagdidiskitahan niya!

"Ayan mas maganda ka pag nakalugay yang hair mo." sabi niya saka niya ako inakbayan.

Mas maganda daw ako pag nakalugay?

Itutulak ko sana siya nong biglang may tumigil sa harapan namin na magpartner.

Nakaakbay pa din siya sakin.

"Chloe I didn't expect na makikita kita dito."

Gusto ko sanang alisin yong pagkakaakbay niya dahil naaalibadbaran talaga ako sa kanya.

Napatingin sakin yong girl. Maganda siya at may dating, guapo din yong kasama niyang guy.

"Oh ako din. By the way this is Mark boyfriend ko, Mark this is Jean."

Napaigtad ako nong nilipat niya yong kamay niya sa bewang ko saka niya ko hinapit. Hindi ako makapalag dahil nahihiya akong bungangaan siya sa harap ng iba.

"Glad to meet you Mark. Ah nga pala this is Mira ang baby ko."

Baby ko?! Anong pinagsasabi niya?!

Baliw na toh!

Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa tinawag niyang Chloe at parang proud pa siyang tawagin akong baby niya.

Nasisiraan na ba siya ng bait?!Di ako makapaniwala sa babaeng toh!

"Parang ngayon ko lang siya nakita Jean?" tanong nong Chloe.

"Ah ngayon lang kasi kami lumabas, Madalas kasama ko si Mira sa School. Kumukuha siya ng photography at pambato siya ng University sa mga photo contest. Nextweek nga invited siya sa pinakamalaking photo exhibit. Di ba baby?" sabi niya sabay tingin sakin.

Ngiting ngiti siya habang nakatitig sa mga mata ko.

Gusto ko nga sanang suntukin siya sa mukha dahil kung anu-ano pinagsasabi niya. Pambato ng University?!

Sira ulo ba siya!

"Oh I see. Magaling pala si Mira?"

"Of course, and I'm so proud of her."

Napapakunot noo ako sa dalawang toh parang may nabubuong tension. Hindi lang ako makapaniwala sa impakto na toh!

Pagtingin ko kay Chloe halata sa mga mata niya ang pagkainis, tahimik lang naman yong guy na kasama niya.

"Ooops pano guys? Kailangan na naming umalis dahil manunuod pa kami ng sine ng baby ko. Di ba baby?" sabay tingin ulit sakin.

Bigwasan ko kaya pagmumukha neto!

Umalis na kami, nong medyo nakalayo na kami siniko ko nga siya.

"Aray ko!"

"Baby?! At kelan mo pa ako naging baby?"

"Eto naman. Baby ang tawag ko sa very close friend ko. Tsaka pasalamat ka dahil sa lahat ng nakasama kong girls ikaw lang pinagmalaki ko ha."

"Ewan ko sayo!"

"Ano baby nuod tayo ng sine?"

Jusme! Mas gusto ko pa ngang asarin niya ako ng banyo queen kesa yong baby!

"Wag mo akong tawaging baby. Tumatayo mga balahibo ko. Kadiri ka!"

Akalain mong natawa lang siya.

"Mag night full show tayo gusto mo?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon