Bonus Chapter

35.7K 1K 197
                                    

Mira Jane Garcia

"Hey you!"

Bigla akong napalingon at nakita ko ang may ari ng boses na iyon.

Si Jean Kaye.

"Ako?"takang tanong ko habang dala dala ang mga gagamitin kong sangkap pang bake.

"Yes you."

"Bakit? May problema ba sakin?"

Ngumiti ito saka ako inakbayan. Amoy na amoy ko tuloy ang perfume ng impaktong ito.

"Hindi ako makapaniwalang kasama na kita. Nakikita na kita at nahahawakan."

"Patay na patay ka na naman sakin."sagot ko. Pinipigilan kong matawa.

"Wow! Ako patay na patay sayo?"

"Aray! Ano ba!"sigaw ko dahil mahigpit ako nitong niyakap. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

"Halata ba......?"

Natatawa tuloy ako sa binulong nya.

"Oo sobra. Halatang halata."sagot ko.

Isang buwan na rin ang nakakalipas mula nong dumating siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya nong araw na iyon.

Akala ko ordinaryong araw lang iyon pero hindi ko inaasahan na muli akong makakaramdam ng kaba, pagkabog ng dibdib at higit sa lahat kiliti sa puso. Kahit hindi ko pa alam kung anong kahihinatnan nang pagkikita namin sa oras na iyon, hindi ko maiwasan na makaramdam ng saya, gusto kong tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya pero nanaig ang takot ko na marinig ang mga masasakit na salita mula sa kanya kaya tumalikod na lang ako at pilit na lumayo.

Pero kahit pinaglayo kami nang tadhana ang pagmamahal namin sa isa't isa ang kusang naglapit sa aming dalawa at heto kami ngayon magkasama.

Ang saya ko dahil pagkatapos ng ilang taong walang kumunikasyon nagagawa ko na ulit siyang titigan, nahahaplos ko na ulit ang kamay niya, ang mukha niya at higit sa lahat naririnig ko na ulit ang boses ni Jean Kaye sa tabi ko.

"Bakit ka nakatitig?"naputol ang pag iisip ko nong mapansin kong nakatitig siya sa akin.

"Nothing. Namiss ko lang titigan yang mukha mo."

"Gandang ganda ka ata sakin."sagot ko pero natawa ito.

"Mira Jane. Di ka pa rin nagbabago. Pero in fairness, gumanda ka and look pumuti ka. Ganyan ba talaga pag wala ako sa tabi mo? Di ka na-i-stress o baka naman ginagawa mong lotion yong harina?"

"Iba ka talaga impakto. Yang pagmamahal mo laging may kasamang panlalait! Di mo man lang sinabing 'lalo' kang gumanda Mira Jane. Gumanda talaga? Para mo namang sinabing ang pangit pangit ko noon! At Oo ginagawa kong lotion yong harina saka ako lumalabas sa gabi para manakot!"

Tinawanan lang ako. Walang hiya talaga siya.

"Kahit naman mukha kang multo Mira Jane mahal pa rin kita. Ikaw lang naman ang nang iwan sa akin."

"Pagkatapos mo akong laitin. Nagdrama ka pa."

Pinisil lang nito ang ilong ko saka ako nito dinampian ng halik.

"Nong wala ako may mga nanliligaw ba sayo?"

"Oo naman."mabilis na sagot ko.

"Sino naman?"seryosong tanong neto.

"Basta, may mga nanliligaw sakin."

"Sus! Sino? Yong mga tricycle driver na nakaparada sa harap ng bake shop mo?"

"Grabe ka. Oh eh, ano naman kung tricycle driver?"

Naningkit yong mata niya habang nakatingin sakin.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon