Chapter 55

52.3K 1.2K 294
                                    

Jean Kaye Emerson

Pinilit kong paandarin ang makina ng sasakyan saka ako nagmaneho hindi para umuwi kundi para makita si Mira Jane.

Lungkot na lungkot na ang pakiramdam ko. Para akong sasabog.

Pinahid ko ang luhang tumutulo sa mata ko gamit ang braso ko saka ko hinawi ang buhok ko pataas. Nong mapatingin ako sa rear mirror pinilit kong ngumiti pero lalo lang tumulo ang mga luha ko. Nahahaluan ito ng dugo na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Mira Jane....nasisiraan na ako ng bait dahil sayo. Ano bang ginawa mo sa akin para mabaliw ako ng ganito?

Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

Ngayon lang nangyari sa akin 'to.

Napapa-iling na lang ako dahil hindi ko na kilala ang sarili ko.

Ibang iba na ako kumpara dati.

Ilang minuto lang ang nakaraan nandito na ako sa harapan ng gate nila Mira Jane.

Parang wala na ako sa sarili ko. Bumaba ako ng kotse habang umiiyak. Sinubukan kong pahirin lahat ng luha ko para maayos pa rin akong haharap sa kanya kaso parang punong puno ng luha ang dibdib ko dahil hindi ko kayang saluhin lahat. Minsanan itong bumubuhos mula sa mga mata ko.

Pagkatapat ko ng gate nila pinindot ko ang door bell. Ilang ulit ko rin itong pinindot pero wala ni isang lumabas para pagbuksan ako.

"Mira Jane....kailangan kita...buksan mo na 'to!"

Nakailang pindot pa ako pero wala pa ring nagbubukas nitong gate.

Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko dahil sa pag iyak ramdam ko na ang pagkirot nito.

Mira Jane....

Pinindot ko pa ulit ang doorbell pero wala talaga.

Nawalan na ako ng pag asang makita siya.

Napapailing na lang ako sa pag kadismaya. Hindi ko man lang siya nakausap kahit saglit lang.

Pinilit ko na lang ihakbang ang mga paa ko pabalik ng kotse.

Minsan lang ako magmahal ganito pa. Ang sakit....ang sakit sakit!

Pumasok na ako ng kotse ko.

Napasandal na lang ako dito sa kinauupuan ko saka pumikit.

Mira Jane...nasan ka na?

"Jean...."

Mira Jane?

"Jean...."

Nagmulat ako ng mata dahil parang may tumatawag sa pangalan ko.

"Jean....buksan mo 'to."

Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Mira Jane na kumakatok sa bintana.

Totoo ba to?

"Jean?"

Binuksan ko ang pintuan. Parang slow motion lahat, dahan dahan itong bumukas. Pigil hininga ako hanggang sa makita ko si Mira Jane. Kahit nangungulap ang mga mata ko dahil sa pag iyak hindi ako magkakamali sa nakikita ko.

Si Mira Jane nga!

Wala ni isang salita na lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makaupo siya dito sa tabi ko.

"Anong nangyari bakit dumudugo ang noo mo?"

"Uhh"

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil ang akala ko tong labi ko lang ang dumugo pero nong hawakan niya ang pisngi ko saka ko lang naramdaman yong mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon