Chapter 21

86.2K 1.2K 85
                                    

Jean Kaye Emerson

HINDI na siya nakaangal pa nong hilain ko siya palabas ng Campus. Gusto ko lang siyang ipakilala sa tatlo. Para naman makilala ng mga kaibigan ko itong bagong pet ko este ano nga ba? Bagong friend? Hmp! Sige na nga friend na lang.

"Impaktito saan ba kasi sila?"

"Anong impaktito sinasabi mo diyan?! Impakto lang!"

"Ganon din yon eh! San tayo pupunta?

"Eh nasa fastfood restaurant sila tabi ng Campus."

"Ang init, nauuhaw na ako."

"Tsk! Bilisan mo kasing maglakad!Para ka kasing pagong!"

Hinawakan ko yong kamay niya saka ko siya hinila,mabilis kaming naglakad hanggang sa makarating kami dito sa restaurant.

"Good afternoon Ma'am" bati sa amin ng isang waiter.

Diretso kami sa kinaruruonan ng tatlo at sabay-sabay silang napalingon sa amin paglapit namin sa kanila.

"Hi guys." Bati ko agad sa kanila.

"Uy, upo kayo." si Jo. Tumayo siya saka hinila yong isang silya dahil apat lang ang upuan ng bawat table.

"Guys this is Mira Jane, Mira they are my friends..si Jo, Jill at Anne." Isa-isa kong pinakilala yong tatlo.

"Hi, nice to meet you." nakipagkamayan siya.

"Mira, bati na kayo?" si Jo saka siya ngumiti habang nakatingin kay Mira. Napatingin tuloy sakin si Banyo Queen.

Lokong Jo kasi na ito, naalala pa talaga niya yong away namin ni banyo queen. Sigurado akong yong pagsuntok sakin ni Mira ang nasa isip niya.

"Bati naman talaga kami e."agad kong sagot.

Nagngitian silang dalawa ni Jill.

Tsk! Pag-untugin ko tong dalawang to eh!

Umupo na kaming dalawa at sabay sabay na nagorder ng food. Halatang nahihiya si Banyo queen dahil lagi siyang nakayuko, tahimik lang naman si Anne, isa ding mahiyain kasi.

Ngayon ko lang naipakilala ng pormal si Mira sa kanila. Syempre kahit papano friend na kami kahit ayaw niya at kahit lagi pa kaming nagaaway.

"Pwede bang magexcuse saglit? Naiihi na ako.." nahihiyang sabi ni Mira.

Sa wakas nagsalita din.

Tumayo ako saka ko siya inalalayan sa pagtayo.

Grabe may sakit ba ako? Sigurado akong napansin ng dalawa yong pagiging maalalahanin ko kay banyo queen.

"Sasabay na ako sa iyo." si Anne.

Tumayo rin siya saka sila sabay na nagtungo sa banyo ni Mira.

Hindi pa ako nakakaupo pero todo ngiti na tong dalawa.

"Ano bang problema niyong dalawa?!" ang sama ng tingin ko sa kanila.

"Hmm nakakapagtaka lang, sa lahat ng babae si Bogart este si Mira lang ang pinakilala mo sa aming tatlo."

Napalunok ako sa sinabi ni Jill.

"Oh e ano naman?! Trip ko lang tsaka di ko pa naman siya GF ah!"

"Wohh rinig mo yon Jill?"

"Ah ay ang ibig kong sabihin ano...uh ano-"

Putek na dalawang to!

"Jean hula ko siya na ang babaeng mamahalin mo"

Ang sama ng tingin ko kay Jill pero ngiting ngiti siya habang nakikipag sikuan kay Jo.

"Parang di niyo naman ako kilala. Gusto ko lang naman makaganti sa kanya e."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon