Chapter 19

101K 1.5K 225
                                    

Jean Kaye Emerson

NAPAKUYOM ako nong maalala ko na magkasama na naman kanina si Mira at yong butiking manliligaw niya. Shit! Yong babaeng yon! Tigas ng ulo! Tsk.

"You okay?Ey, Naglalasing ka ba?"

Napabuntong hininga ako nong dumating si Jo dito sa tambayan naming bilyaran.

"Yeah I'm fine. Just a little drunk."

Napahawak ako sa batok ko saka napasabunot sa buhok ko. Medyo sumasakit ang ulo ko.

"Tama na 'yan Jean. Is there something wrong?"

Napakunot noo ako-something wrong?

Something was wrong with my heart.

Bumuntong hininga ulit ako.

"Nothing." sagot ko saka ako tumingin sa ibang direksyon.

"Don't tell me kaya ka naglalasing dahil kay Bogart?"

"Of course not! Darn!"

"Wuuu relax!" tinaas ni Jo ang dalawang kamay niya saka umatras dahil bigla akong tumayo. Akala ata niya sasapakin ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan ng ganito-shit!

Sumandal ako dito sa pader saka lumagok ng isang shot ng tequila.

"Jean pwede mo namang i-share sakin kung ano mang-"

"Wala toh, wag mo akong alalahanin Jo."

Ayokong malaman niya kung ano man tong nararamdaman ko.

Tsk! Hindi dapat ako ganito.

Paiibigin ko lang siya! Yon lang ang pakay ko-hindi ako pwedeng mahulog sa kanya! Hay, kaso bakit ganito?

Napahigpit ang hawak ko sa baso. Hindi na ata ako 'to. Hay! Umayos ako ng tayo saka nilapag sa table yong hawak ko.

"Uwi na tayo Jo."

"Okay, let's go."

Lumabas na kami ng bilyaran saka naglakad papuntang parking lot.

"Jean makakapagdrive ka ba? O gusto mo ihatid na kita?"

"Thanks, pero kaya kong magdrive."

"Okay, Kita kits na lang bukas. Itulog mo na yan. Okay?"

Tumango ako at humalik sa pisngi ni Jo saka kami sumakay sa kanya-kanyang kotse. Pinaandar ko na tong sasakyan saka nagbyahe pero hindi pa ako uuwi may gusto lang akong makita-.

Bigla akong nag-U-turn at nagdrive ng mabilis.

Ilang saglit lang nakarating agad ako dito sa tapat ng bahay nila Mira.

Napatingin ako sa bahay nila, at nakita ko siyang nakaupo sa bintana habang nililinis ang DLSR niya.

Nakatitig lang ako saka bumuntong hininga.

Banyo queen, andito ako.

Tumingin ka dito.

Napasubsob ako dito sa manibela pero agad din akong nag-angat ng mukha at napasulyap ulit sa kanya.

Mira...Tsk hay!

Kanina pa ako nakatitig sa kanya pero hindi man lang siya lumingon.

Agad kong pinaandar tong sasakyan saka agad na umalis.

Pagdating ko dito sa bahay agad kong di-nial yong number ni Jill. Naiirita ako na ewan.

Ring

Ring

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon