Chapter 83

30.6K 843 112
                                    

Jean Kaye Emerson

Pagdating ko dito sa classroom si Anne lang ang naabutan ko habang nagbabasa ito ng libro.

"Asan yong dalawa?"tanong ko sa kanya saka ako umupo sa tabi niya.

"Lumabas."sagot niya saka nito itinuloy ang pagbabasa.

"Uhh okay. Ano na naman ba yang binabasa mo? Tapos na ang exam natin review ka pa rin ng review."

"Advance reading."maikling sagot niya.

Agad ko namang hinablot yong libro na hawak niya.

"Jean, ano ba! Akin na nga yan!"

Sinubukan niyang agawin sakin yong libro pero ibinato ko ito sa bandang likuran. Agad naman niya akong nasapak kaya hinawakan ko agad yong kamay niya.

"Tapos na ang exam! Hindi ka dapat nagrereview! Dinudugasan mo ako, eh! Gusto mo ikaw na naman ang maging number one sa class para ano? Para ipamukha sa akin na mas magaling ka! Hindi ako papayag!"

"Pulutin mo yon!"

"Ayoko!"sigaw ko sa kanya saka ko siya binitawan kaso sinabunutan niya ako. "Ahhh aray! Anne ano ba!" Buti na lang agad na dumating si Jill at Jo.

"Jill sinasaktan ako ni Anne!"sumbong ko habang sinasabunutan pa rin ako ni Anne.

Agad namang lumapit si Jill.

"Anong nangyayari? Babe, bitawan mo na si Jean. Awat na babe."

"Sabi ko sayo Jill, eh. Pag wala ka sinasaktan talaga ako ng gelpren mo. Grabe siya, wala siyang awa sa akin."

Padabog na pumunta ng likuran si Anne para pulutin yong libro niya.

"Jean masasapak kita! Inasar mo na naman si Anne, no?!"

"Hindi ah! Nakita mo na nga na ako yong sinasaktan niya ipagtatanggol mo pa siya! Anong klaseng kaibigan ka, Jill."

"Dadrama ka pa hampasin kita, eh!"

Sinundan nito si Anne at pareho na silang naupo sa likod.

Napapangiti akong bumelat kay Anne.

"Di talaga kumpleto ang araw mo pag wala kang naaasar ano?"

Humikab lang ako. Hindi ko pinansin yong sinabi ni Jo. Siya na lang yong katabi ko ngayon dahil hindi na bumalik yong dalawa dito sa tabi namin.

"Ang boring pag hindi ko kasama si Mira Jane. Tapos naiinggit ako pag nakikita kong magkasama si Anne at Jill. Kaya gusto kong maghiwalay na sila...."sabi ko kay Jo.

"Gaga!"sagot naman niya saka nito tinampal ang bibig ko.

"Aray! Bwiset!"reklamo ko.

Gaganti pa sana ako kay Jo nong biglang dumating ang Prof namin. Bumelat din ito sa akin nong hindi ako nakaganti sa kanya.

Puro discussion ang ginawa namin sa mga pang umagang klase namin. Pagdating ng tanghali nagkaroon kami ng saglit na meeting with coach at ibang players. Saglit lang iyon, kaso nga lang hindi na kami nagkasabay ng lunch ni Mira Jane dahil sa meeting. May isa pa kaming natitirang subject sa hapon.

At dahil may bakanteng oras pa kami. Lumabas muna ako ng classroom at napansin ko agad si Mira Jane na naglalakad palabas ng gate.

San pupunta yon?

"Mira Jane!"tawag ko sa kanya at agad naman siyang huminto. "Saan ka pupunta?"tanong ko paglapit ko sa kanya.

"Diyan lang sa labas ng gate. May naamoy akong masarap na burger. Gusto kong kumain non. Pangtanggal ng stress."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon