Chapter 52

40.8K 948 103
                                    

Mira Jane Garcia

PARANG gusto kong batukan ang sarili ko ng paulit-ulit. Wala na kasi akong ibang iniisip kundi yong namagitan sa amin ni Jean. Pagkatapos ng gabing iyon wala na akong narinig pa sa kanya, ni hindi siya nagpapakita sa akin.

Napasubsob na lang ako dito sa desk ko at feeling maiiyak ako.

"Best, hindi pa ba natatapos yang kadramahan mo diyan, ha? Aba kung ganyan ka na lang palagi eh baka masampal kita ng one million times!"

"Wala akong problema, Ems!"

Pasagot na tugon ko sa kanya nong mag-angat ako ng ulo.

"Isampal ko kaya tong hawak ko sayo para magsabi ka ng totoo!"

"Ihhhh!" Angal ko nong makita ko ang hawak niyang libro.

"Kita mo, hindi makakapagsinungaling sa akin yang mga kinikilos mong yan. Ano na naman ba yon? Si Jean ba?"

Umiling lang ako. Dahil pag sinabi kong 'Oo' eh baka masampal na talaga ako ni Emz.

"Si Jean nga. Bakit ano na naman ba ang nangyari?"

Hay! Biglang bagsak ng balikat ko. Hindi talaga ako makakapaglihim  dito sa bestfriend kong 'to.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Ang tanga-tanga ko kasi Emz, eh. Kung bakit ko hinayaan na may mangya....."

Bigla akong tumigil sa pagasasalita.

Ano ba tong sinasabi ko kay Ems?!

Buti napigilan ko ang bibig ko kung hindi nalaman na niyang bumigay ako kay Jean.

"May nangya....? Ano?!"

"Huh? Uhh... Wa-wala yon." Umiwas agad ako ng tingin kay Emz.

"Ano nga? May nangya....may nangyaring ano? O, may nangyari na sa inyo?"

"Wa-wala ah!"

Ilang beses akong umiling-iling pero parang hindi ako makakalusot pa dahil ang mga mata ni Emz ay naniningkit at parang nagdududa sa pinagsasabi ko. Kung bakit naman kasi ako nadulas!

"Ikaw ha!"

"Ayy!"

Bigla akong napaigtad nong sundutin niya ang tagiliran ko.

"Bwiset ka Ems!"

Natatawa ito habang ako naman ay hindi alam kung ano ang mararamdaman ko.

Nahihiya na ewan.

"Masarap ba ang honeymoon niyong dalawa?"

"Shhhh! Ano ka ba!"

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Ems saka ako napalingon-lingon sa mga katabi naming estudyante.

"Mhmmm!!!!"

"Ikaw Emz yang bibig mo! Baka may makarinig at baka ano pa ang isipin nila sa akin!"

Pilit na tinanggal ni Emz ang kamay ko sa bibig niya.

"Yes or No? Masarap ba? Nag-enjoy ka?"

Pinanlakihan ko ng mata si Emz dahil ayaw netong magtigil.

"Sige titigil na ako at iisipin ko na lang na nag-enjoy ka."natatawang sabi niya.

Pangiti-ngiti pa itong umiwas ng tingin saka ito yumuko para basahin yong libro na hawak niya. Pero kahit hindi na ito nakatingin sa akin bakas pa rin ang pilyang ngiti sa mukha niya.

Nong magsimula na ang klase namin ilang beses kong nahuli si Emz na tumitingin sa akin saka eto ngingiti.

Argh!

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon