Chapter 31

62.8K 1K 60
                                    

Jean Kaye Emerson

"JEAN saan tayo pupunta?"

"Hmmm basta upo ka lang diyan, malalaman mo din pag andon na tayo."

Pagkatapos naming tumambay sa kotse para sa coffee at icecream pinaandar ko ulit tong sasakyan ko.

"Baka kung saan na naman to, ha?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Iniisip na naman siguro niyang magpapamasahe ako ng pwet ko sa kanya. Ilang minuto din ang byahe namin hanggang sa makarating na kami dito sa tapat ng bahay.

"We're here."

Papasok na kami ng gate nong mapansin kong palinga-linga siya.

"Bahay mo?"

"Yup. Let's go, baba na." inalalayan ko siyang bumaba ng kotse. "Dito ako nakatira. Mula pagkabata ko mag-isa na akong namumuhay kasama ang mga...." natigilan ako sa pagsasalita dahil habang naglalakad ako papasok ng bahay napansin kong wala pala siya sa tabi ko. Kaya bumalik ako sa labas ng bahay at nakita ko siyang nakatingala.

"Hey! Ano bang tinitingnan mo?" tanong ko saka lumapit sa kanya at kahit ako napatingala. Ano bang meron?

"Ang taas pala ng bahay niyo." 

Hay! Akala ko naman kung anu na tinitingala niya!

"Halika na nga sa loob, kung anu-ano napapansin mo."

Diretso kami dito sa 2nd floor ng bahay at pinakita ko sa kanya yong paborito kong tambayan, etong music room. 

"Mahilig ka sa pala sa music."

"Yup. Kahit naman siguro sino."

Nakatingin lang ako sa kanya habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga nakadisplay na iba't-ibang klase at kulay ng electric guitar sa wall. Binuksan ko yong mga ilaw sa bawat tapat ng mga gitara kaya lalo itong naging makulay. 

"Wow ang ganda." 

Nakakaaliw yong ngiti niya nong makita niyang nagliwanang yong buong hilera ng mga gitara. Para na namang hinahatak ang hininga ko pag nakikita ko siya sa simpleng ngiting iyon.

"Ang laki ng bahay mo, pero mag-isa ka lang. Hindi ba't nakakalungkot ang mabuhay ng mag-isa?"

"Sobra, pero sanay na ako sa ganitong klaseng buhay.''

 Sunod na pinakita ko ang isa sa mga guest room.

"Wow ang luwang. Room mo to?"

"Huh? uhh Nope."

"Eh asan ang room mo?"

Gusto niyang makita yong room ko? No way! Ayoko siyang dalhin don kaso hindi siya tumigil sa pagtatanong.

"Yong huling door sa dulo, iyon yong room ko." turo ko sa kanya.

"Bat di yon ang ipakita mo sakin?"

"Uhh kasi...Ano, uhm... Madumi kasi don, hindi pa nalilinisan kaya dito na lang tayo tumambay muna."

"Madumi? Ayaw mo lang atang ipakita sakin. May tinatago ka?"

"Huh? Wala. Ano namang itatago ko."

"Eh, bakit pala ayaw mo?"

Ayoko ko dahil marami na akong dinalang babae don at ayokong dalhin ka don. Hindi ka nababagay sa kwartong 'yon.

"Ayaw mo ba talagang ipakita sakin yong room mo?"

"Ayoko nga. Ang kulit mo."

"Baka naman puro hubad na picture ang andon kaya ayaw mong ipakita sakin."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon