Chapter 3

121K 1.5K 52
                                    

Jean Kaye Emerson

Katatapos lang ng meeting namin ngayong umaga. Kasama ko si Jo papuntang classroom. Si Jill susunduin muna si Anne.

Ang aga pa, may forty five minutes pa bago magstart yong first subject namin.

"Jo una ka na sa classroom may pupuntahan lang ako saglit."

"Hmm okay, chikas na naman yan noh?" tanong niya.

"Di ah! Magsi-CR lang ako"

"Woshuu sinong niloko mo! Bahala ka."

"Hmp!" bwisit!

Alam na alam talaga niya na chikas lang pupuntahan ko.

Gusto ko lang makita yong crush ko sa kabilang building. Gusto ko magpapansin. Asar lang may boyfriend na, pero tingin ko pwede ko namang landiin eh.

Naghiwalay na kami ni Jo.

Lakad...Lakad...saka ako umakyat ng hagdan. Nasa forth floor kasi yong room nila. Sisilip lang ako, kaso naiihi na talaga ako.

Asan ba CR dito?

Andito palang ako sa third floor. Palinga-linga ako. Hinahanap ko asan ang CR.

Ah ayon!Binilisan ko maglakad. Pagbukas ko walang tao kaya nilock ko yong door.

Hmmm mukhang mas malinis ang CR dito ah, maluwang pa.

Umihi na ako, pagkatapos humarap muna ako sa salamin. Nagpacute lang at ilang beses kong inayos tong buhok ko. Minsan naiisip kong magpaiksi ng buhok, kaso usapan naming tatlo nila Jill at Jo na walang magpapaiksi ng buhok. Minsan kasi naiinggit ako sa iba dahil ang cute tingnan pag maiksi ang hair. Pag tinopak talaga ako magpapaiksi ako kahit magalit pa yong dalawa. Bahala sila! Haha

Makalabas na nga!

Hmm?

Pagpihit ko ng doorknob.

Shete! Anong problema neto ang hirap buksan!

Pinihit ko ulit, saka hinila ng malakas.....saka...blag!!!

Aray ko!!!

Naramdaman ko nalang yong lamig ng sahig dahil nakahiga na ako ngayon... at.. at sino tong nakapatong sakin?!

Ang bigat!!At lalong hindi ako makapaniwala dahil...dahil magkadikit na ang mga labi naming dalawa.

Ang lambot...ang lambot ng labi niya...pero kitang kita ko ang pagkabigla niya..her eyes widen..halatang namumula siya.

I think I feel the same, I was blushing. Pero bakit parang natutukso akong idiin lalo yong labi ko sa labi niya.

Bago ko pa magawa yon tumayo na siya at tumalikod. Lalabas na siya ng pinto pero pinigilan ko siya, hinawakan ko yong kamay niya.

"Miss uhm....ahh aray!!!"

Bigla na lang niya akong sinampal!

Napahawak na lang ako sa pisngi ko at natulala dahil sa sampal na tinamo ko galing sa babaeng yon. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya.

Shete!

Wala pang sumasampal sakin! Ako na nga tong dinaganan niya! Siya pa may ganang sumampal!

Paglabas ko ng CR wala na siya. Bwisit! Kung sino man siya humanda talaga siya sakin!

Hindi ko tuloy alam saan ako pupunta ngayon!

Hay! Wala na akong nagawa kundi bumalik sa classroom namin. Badtrip! Di ko na nga nakita yong crush ko, nasampal pa ako! Kota sa kamalasan! Asar!

Haist!

"Uy Jean ano nangyari sayo bat ka nakasimangot?" tanong agad ni Jo pagpasok ko ng classroom.

Di ko siya pinansin umupo lang ako.

"Aww! Jean ang ganda ng blush-on mo, hugis kamay haha" si Jill.

Pinanlakihan ko nga siya ng mata. Basagin ko mukha ng Jill na toh eh. Dagdag pa tong Jo na toh! Burahin ko kaya mukha nilang pareho!

"Patingin nga?" si Jo ulit. Asar!

"Ouch! Mukhang jackpot ka ngaun." tawanan silang dalawa.

Si Anne nakatingin lang sa aming tatlo.

Sa totoo lang inis na inis ako!

"Deym that woman!" Makikita niya kung sinong sinampal niya!

.....

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon