Chapter 2

144K 1.6K 102
                                    

Jean Kaye Emerson

Nakahawak lang ako sa manibela habang nakikinig ng sounds. Nagiisip pa din ako kung saan pwede manggulo ngayon. Ayoko pa talagang umuwi e.

Kay Jill kaya? Kaso baka kasama pa non si Anne.

Kay Jo? Tsk! Baka nakikipaglampungan pa yon kay teacher Jack.

Alam ko na! Pinaandar ko agad tong kotse saka mabilis na nagdrive.

Ilang saglit lang andito na ako.

"Uy, akala ko multo lang nagpaparamdam. Himala nagparamdam ka!" si Yana. Andito ako sa Bar niya.

"Namiss kita Yana ei. Asan yong iba?"

"Woshuu miss mo mukha mo! Si Ellaine lang andito. Ano hanap mo drinks o chicks?" Napangiti ako sa tanong niya.

"Both" sagot ko.

"Ayon si Ellaine pagtyagaan mo muna wala pa yong BF niya kaya pormahan mo muna" natatawa niyang sabi.

"Sabi ko chicks hindi panabong!" saka ako tumawa. Ang bad ko talaga. Hindi naman talaga mukhang panabong si Ellaine. Kapag kausap mo siya kahit nakatingin ka sa mukha niya yong boobs pa din yong nangingibabaw sa kanya. Anlaki ei! haha nakita ko na yon. Ilang beses na ba naghubo sa harapan ko. Kung ako natutuwa makakita ng boobs si Jill na friend ko laging nagagalit pag naghubuan tong mga toh. "Para kayong mga tikling! Magsilayas nga kayo!" yan lagi niyang sinisigaw haha.

Matawagan nga yon!

"Yanzki tawagan ko lang si Jill, balik ako" lalabas na sana ako ng Bar.

"Ooops! Jean san ka galing ha?" kinindatan ako ni Yana saka ngumiti ng nakakaloka.

Ano problema niya? Kanina pa kami naguusap tas ngayon lang siya magtatanong san ako galing?

Adik ba siya?

"Diyan lang sa tabi tabi, bakit?" tanong ko. Nagtataka ako parang may gusto siyang sabihin.

Pinanlakihan ko nga siya ng mata kaso ngumuso lang siya. Napa kunot noo ako, at tumingin sa nginunguso niya.

Hmm?

"Ay syet!" bigla ako tumalikod at sinara yong zipper ko. Asar!

Nakakahiya kay Yana!

"Okay lang yan Jean, pinagdadaan talaga ng lahat yan kaya naiintindihan kita." sabi niya saka tumawa ng malakas at tinapik pa yong balikat ko.

Gagong Yana! Buti malakas yong sounds dito sa Bar! Masapak ko siya eh!

Makalabas na nga! Tatawagan ko pa yong dalawa.

Una kong dinial yong number ni Jillian.

Asar nakapatay ang phone! Si Jo na lang tatawagan ko.

Ring

Ring

Ring

"Yow! Jean?"

"Asan ka Jo? Kasama mo ba si Jack?"

"Kanina, pero ngayon pauwi na ako."

"Wag ka muna umuwi. Miss na kita dito ako sa Bar ni Yana"

"Tse! Miss ka diyan ! pero sige sunod ako miss din kita, eh."

" Ayos! wait kita."

Adik din tong si Jo.

Pumasok na ulit ako ng bar. Saka umupo sa harap ng counter.

"Hi Miss sexy" sabi ko sa girl na nakahawak ng bote ng whisky saka ko kinindatan.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon