Chapter 89

21.6K 703 33
                                    

Mira Jane Garcia

"Hoy! Babae anong iniisip mo diyan bakit parang kanina ka pa tulala? Baka tumulo na yang laway mo diyan, sige ka."si Ems.

Napasubsob ako dito sa desk ko ng ilang segundo bago ako nag-angat ulit ng mukha nong maupo siya dito sa tabi ko.

"Iniisip ko kasi kung ano ang pwede kong ibigay na regalo kay Jean Kaye. Kaso wala akong maisip lalo na wala naman akong malaking pera."

"Gaga! Hindi naman siguro lupa't bahay ang ireregalo mo para kailanganin mo ng malaking halaga."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Sa tingin mo Ems ano naman ang ibibigay ko sa kanya? Eh, lahat na ata ng bagay mukhang meron na siya kasi marami naman siyang pera na ibibili."

"Alam mo best, nakikita ko sa personality ni Jean Kaye, ha. Kahit siguro bigyan mo yan ng isang butil ng bigas maappreciate niyan."

"Ems naman. Anong akala mo kay Jean Kaye manok? Magisip ka naman ng pwede kong i-regalo yong sa tingin mo ma-a-appreciate niya. Yong kaya lang ng budget ko."

"Yan na nga ang sinasabi ko. Pati tuloy ako nadamay na sa pag iisip. Bakit magkano ba ang budget mo?"

Napaisip ako at nagcompute sa isip ko. Mukhang magagamit ko ang kakayahan ko sa math ngayon.

"Sa ngayon kasi Ems wala pa akong pera. Manghihingi muna ako kay Mama o kaya kay Kuya."

"Gaga ka talaga! Wala ka naman palang pera may budget ka pang nalalaman!"

"Syempre plano pa lang naman."

"Sa tingin ko pwede mo siyang ipagbake ng cake."

Napakamot ako.

"Hindi ako marunong, eh."

"Madali lang yon. Ano ka ba!"

"Tutulungan mo ba akong gumawa?"

"Ano pa nga ba. Para tumigil ka na sa kaiisip diyan. Para ka nang lukaret sa itsura mo kanina."

"Salamat Ems! Kaso hindi natin pwedeng gawin yon sa bahay baka kasi tanungin ako ni Kuya kung para kanino yong gagawin natin."

"No problem! Pwede naman sa bahay. Kung gusto mo bukas na bukas gawin natin. Tutulungan kita."

"Sige! Pupuntahan kita bukas."sagot ko.

Nagkasundo kami ni Ems na sa kanila na lang gagawa ng i-reregalo ko kay Jean Kaye. Buti na lang meron akong bestfriend na handa akong tulungan.

Palabas na ako ng classroom nong mapansin ko ang isang pamilyar na mukha na nakatayo di kalayuan dito sa tapat ng classroom namin.

Si Novy....

Ano kaya ang ginagawa niya rito?

Nilagpasan ko lang siya pero napansin ko itong humabol sakin kaya medyo binilisan ko ang lakad ko para maiwasan siya.

"Mira Jane! Saglit lang."hinila nito ang braso ko pero pumiksi ako.

"Bitawan mo nga ako."

"Relax! Ngayon lang ulit tayo nagkita maiinis ka pa."

"Wala namang dahilan para matuwa ako sa iyo."sagot ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Saglit lang! Pumunta ako rito para iabot lang ito sa iyo."

Inaabot nito ang isang magazine pero hindi ko ito kinuha.

"Importante ito. Mukhang hindi mo pa nababasa kaya binilhan kita ng sarili mong copy. Sa iyo na lang. Basahin mo kapag wala kang ginagawa."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon