Chapter 43

57.4K 1.3K 173
                                    

Mira Jane Garcia

NAGISING ako na napakakomportable ng pakiramdam ko. Mhmmm kaya pala... maayos na nakabalot sa katawan ko ang makapal na kumot.

Napatingin ako sa paligid ko at bigla akong napa-upo!

"Ano ka ba! Wag ka ngang nanggugulat!"

Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ko si Jean na nakaupo dito sa tabi ng kamang hinihigahan ko. Magkasalubong ang dalawang kilay niya dahil nagulat ko siya sa bigla kong pag upo.

Impakto pa rin talaga siya!

"Nasan tayo?"

"Dito sa bahay. May amnesia ka na ba?" Sabi niya sabay ubo.

"Wala! Sarap kasi ng tulog ko, nakalimutan kong dito mo ako dinala. May sakit ka?"

Agad akong gumapang palapit sa tabi niya saka ko sinipat ang kanyang leeg.

"I can't believe I caught a cold dahil sa pagligo ko ng maaga kanina tsaka dahil na rin siguro sa pagod nong magpunta kami sa province nila Anne. Kanina medyo okay pa naman ang pakiramdam ko."

Ilang beses siyang bumahing at umubo.

"Kawawa naman ang impaktong 'to. Nagkakasakit din pala ang tulad mo, ano?"

Sabi ko sa kanya sabay pisil ng magkabilang pisngi niya at di ko rin napigilang halikan ang gilid ng labi niya.

"May sakit na nga ako nagawa mo pa akong asarin.....tsk! Baka mahawa ka."

Ngumiti lang ako saka bumaba ng kama kaso halos mangatog ang mga tuhod ko dahil sa lamig na naramdaman ko nong matanggal ang kumot na nakabalot dito sa katawan ko.

"Paanong hindi ka magkakasakit nakatodo yong aircon mo. Ang lamig lamig!"

Tumayo naman siya agad para pahinaan yong aircon saka niya dinampot yong remote ng tv at binuksan iyon.

"Anong channel ang gusto mo?" Tanong niya habang inililipat ang channel ng tv.

"Animax"

"Para ka namang bata."

"Sige sa Hero na lang."

"Ganon pa rin yon."

"Magtatanong ka tapos magrereklamo ka! Wag na lang akong manunuod!"

Padabog akong umakyat ng kama.

Nagtalukbong ako saka yumakap sa isang malaking unan na katabi ko. Ang lambot-lambot...ang sarap yakapin.

"Nagpapacute ka na naman diyan, eh."

"Hindi, ah! Tumigil ka wag mo akong kikilitiin susuntukin ko yang ilong mo!"

Banta ko sa kanya dahil nakakatakot yong kamay niya pag nadapo sa tagiliran ko. Isang dakma lang niya napapasigaw talaga ako ng todo.

"Tatabi lang ako para yakapin ka."

Tumabi siya sa akin at naramdaman ko agad yong init ng hininga niya sa batok ko. Mas lalong naging komportable ang pakiramdam ko nong ikulong niya ako sa mga bisig niya.

"Jean?"

"Mhmm?"

"Baka hanapin ako sa bahay?"

"Don't worry pinaalam ko kay Tita na andito ka."

Tumango tango ako habang nakaunan sa bisig niya saka ako humarap sa kanya.

"Wag mo masiyadong ilalapit yang mukha mo sa mukha ko baka mahawa ka."

Pagkasabi niya non dinampian ko agad siya ng isang halik sa labi.

"Mhmm pilya ka, wag mo akong ginugulat baka anong magawa ko sayo. Baka marape kita ng di oras."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon