Chapter 79

28.3K 778 40
                                    

Mira Jane Garcia

Weekend na naman, ang bilis talaga lumipas ng araw.
Inaayos ko itong mga gamit ko para sa pagre-review ko para makahabol sa mga lessons namin sa lahat ng subjects na hindi ko napasukan nong magkasakit ako.

"Ma, pupunta lang ako kila Emz para po magreview. Pwede po bang doon ako mag stay itong weekend?"tanong ko kay Mama pagbaba ko ng hagdan.

"Yong totoo? Kina Emz ka ba talaga pupunta?"

"Uhh."bigla akong napalunok. Ang sama ko talagang anak. Nagagawa kong magsinungaling sa Nanay ko. "Sa bahay po ng kaibigan ni Jean, kasama po siya. Ire-review daw po niya ako para po sa exam namin next week."

Napailing si Mama at siguradong hindi na ako makakalabas ng bahay neto dahil nagsinungaling ako sa kanya.

"Sorry po, Ma."

"Hindi mo kailangan magsinungaling para lang diyan sa pagrereview mo. Basta siguraduhin mo lang na magrereview ka talaga."

Aakyat na sana ako pabalik ng kwarto ko dahil ang akala ko ay di na ako papayagan ni Mama.

"Okay lang po ba, Ma? Kasama ko si Jean...."

"Oo sige na. Basta tumawag ka sa telepono kapag andon ka na."

"Opo. Thank you po, Ma."

Parang gusto kong tumalon nong pumayag si Mama. The best Nanay talaga siya. Ang bait niya!

"Mag iingat ka sa byahe at magreview ka ng mabuti. Seryosohin mo ang pag pag-aaral. Gusto kong makatapos ka habang malakas-lakas ang kita ng agency at habang malakas pa ako. Pag nagloko ka sa pag aaral bahala ka na sa buhay mo."

"Opo, Ma!"

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako kay Mama.

"Siya siya! Sige na."sabi ni Mama saka ako nito inabutan ng baon.

Hindi mawala-wala yong ngiti ko habang naglalakad palabas ng subdivision. Nagmadali pa akong sumakay ng taxi para iwasan na makasalubong si Kuya. Siguradong kakaladkarin na naman kasi ako non pabalik ng bahay pag nakita ako na paalis.

Ilang minuto din ang inabot ng byahe bago ako nakarating dito sa tapat ng bahay ni Yana. Pagbaba ko ng taxi agad kong pinindot tong doorbell.

Wala atang tao. Ilang beses kasi akong pumindot kaso hindi lumalabas si Yana.

"Yana?"tawag ko mula rito sa gate.

Tumingkayad ako para masilip kung may tao sa loob at napansin ko nga sa bintana na may anino sa loob at ilang saglit lang bumukas na ang pintuan at niluwa niyon si Yana.

Nakangiti ito habang papalapit.

"How long have you been there? Sorry, ha? Galing akong banyo."sabi nito at halata naman dahil basa pa ang buhok niya at may dala-dala itong towel.

"Ayos lang. Halos kararating ko lang naman."

"Mabuti na lang. Akala ko kanina ka pa nakatayo diyan. Bakit mag isa ka lang? Where's Jean?"tanong nito habang binubuksan ang gate.

"Hindi na ako nagpasundo sa kanya. Nauna na ako rito kasi iniiwasan ko na maabutan ako ni Kuya dahil baka di ako payagan non."

Ngumiti lang ito saka ako nito pinapasok dito sa bahay niya.

"Maupo ka muna, Mira Jane. Ipagtitimpla lang kita ng juice habang wala pa yong kumag mong dyowa."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ako na lang Yana."

"No. Maupo ka lang diyan. Bisita kita so ako ang mag aasikaso sa iyo."

"Oh okay, Thank you."sagot ko. "Pupunta rin ba dito sina Atasha at iba pa?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon