Chapter 70

32.3K 902 130
                                    

Mira Jane Garcia

Nagmamadali akong tumayo nong mag pa-dismiss na ng klase yong Prof namin at inayos ko agad ang mga gamit ko sa bag.

"Best bakit parang nagmamadali ka?"si Emz.

"Manunuod sana ako ng game nila Jean Kaye."

Napansin ko agad ang pagtaas ng isang kilay ni Emz kaya napangiti ako.

"Himala, akala ko ba hindi mo hilig ang sports? Iba talaga ang nagagawa ng love. Yihii."

"Magtigil ka nga Emz. Manunukso ka pa. Maiwan na kita diyan."

"Siya, ingat na lang. Sorry hindi kita masasamahan ngayon. May lakad kasi kami ni Caleb."

"Okay lang Emz. Mauna na ako para maabutan ko yong game nila."

"Okay, bye best."

"Bye."

Lumabas na ako ng pintuan pagkatapos naming magbeso saka ako tumakbo palabas ng school para makasakay agad ng bus.

Nakasakay naman ako agad kaso tayuan. Isa pa, napaka traffic papuntang Sports Arena. Siksikan lahat ng pasahero dito sa loob ng sasakyan. Niyakap ko na lang ang bag ko para hindi masagi ang dibdib ko. Minsan kasi may mga bastos na pasahero. Sinasamantala nila kapag siksikan ang mga tao.

Kung minamalas ka nga naman. Panay ang tingin ko sa cellphone ko para i-check kung anong oras na. Mukhang hindi ko maaabutan yong game.

Hanggang sa huminto ang bus at sumigaw yong kundoktor na nandito na kami sa tapat ng Sports Arena kaya bumaba na ako kasabay ng ibang mga pasahero.

Halos takbuhin ko papuntang Arena kaso sa kasamaang palad isa-isa ng nagsisilabasan sa exit door ng Arena ang mga nanuod ng laro.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil hindi ko man lang naabutan kahit sana yong huling set man lang sana ng laro nila Jean.

Wala na akong nagawa kundi tumigil sa paglalakad dahil wala na rin akong maaabutang laro pa sa loob. Pinanuod ko na lang yong mga tao habang isa isang lumalabas sa exit ng Arena.

Sa tingin ko huling lalabas yong mga players kaya umalis muna ako sa pwesto ko para bumili ng pagkain para kay Jean Kaye. Kahit ako nakakaramdam na ng gutom pero baka lumabas na agad sila kaya mabilis akong naghanap ng mabibili para kay Jean gusto ko sana siyang surpresahin.

May nakita akong malapit na bilihan ng mga pagkain dito sa labas ng Arena at nagtungo ako sa bilihan ng fried siopao.

"Ate, ilan ang laman ng isang box?"itinuro ko yong box na katamtaman lang ang laki.

"Anim ang laman."

"Isang box nga po."

Agad namang naglagay ng anim na pirasong fried siopao si ate sa box at nilagay ito sa supot sabay abot sa akin. Nag abot na rin ako ng bayad.

Mainit init pa nong hawakan ko yong bandang ilalim ng dala kong plastik.

Sana magustuhan ng impakto 'tong dala ko. Baka kasi gutom yon dahil pagod yon sa paglalaro.

Pagkatapos kong makabili ng pasalubong para kay Jean bumalik na ako ng Arena para abangan siya sa paglabas sa exit.

Habang naglalakad ako nasulyapan ko ang isang pamilyar na mukha. Guwapo ito at matangkad, may dala itong isang bouque ng flowers at paper bag na malaki na kakukuha lang niya sa loob ng kotse niya.

Kung hindi ako nagkakamali siya si Bong Carlos!

OMG!

Si Bong Carlos nga!

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon