Chapter 37

61.4K 1.2K 97
                                    

Mira Jane Garcia

NAGISING ako at ang unang pumasok sa isip ko ay si Jean. Ilang araw na rin akong ganito na siya lagi ang unang pumapasok sa utak ko. Wala naman akong magawa para pigilan ito dahil pagmulat ko palang ng mga mata ko siya na agad ang naiisip ko.  Totoo na nga 'to...totoong buwang na ako! 

Paano ko ba kasi ito mapipigilan pa? 

Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kanya nabibigo ako, lalo lang akong napapalapit sa kanya. At ano ba 'tong nararamdaman ko kapag nagkakadikit kami? Kapag nadidikit ang labi ko sa labi niya nakukuryente ako. Mula nong gabing isama niya ako sa yate para manuod ng full moon doon parang nag-iba ang lahat. Parang may kakaiba akong naramdaman noong gabing iyon. Hindi ko matukoy pero isa iyon sa pinakaweirdo kong naramdaman. Yong tipong ayokong humiwalay mula sa pagkakayakap niya noon sa akin, pero dahil matino pa ako noon binalewala ko ang pakiramdam na iyon. 

Pinilit kong bumangon kahit parang binugbog ang katawan ko. Masakit din ang ulo ko. Sinawalang bahala ko na lang yong iniisip ko kanina at naghanda na ako para sa pagpasok sa school. After kong maligo at magbihis nagbyahe na ako papuntang school saka dumiretso sa library dahil andon si Ems, hinihintay ako. 

Palinga-linga ako pagpasok ko ng pinto ng library, pinipilit kong hindi gumawa ng ingay para hindi ako masita ng librarian hanggang sa matanaw ko si Ems, kinawayan niya ako at sumenyas na lumapit sa kanya.

"Hi best, upo ka muna."   

"Wala ba tayong Prof?" tanong ko agad sa kanya at umiling lang siya. Syempre tuwang-tuwa ako sa narinig ko. Nilapag ko muna yong bag ko dito sa table nong mapansin kong nakatitig sa akin si Ems.

"Bakit?" tanong ko.

"Best alam mo lalo kang gumaganda, natutuwa ako kasi ang laki na ng pinagbago mo. Hindi ka na Manang. Ang ganda-ganda mo na talaga, siguro lalong na i-in-love sayo si Jean noh?" 

"Kung makapagsalita ka naman parang sobrang pangit ko noon, ah." 

Halatang pinipigil niya yong tawa niya dahil hindi siya pwedeng gumawa ng ingay dito. Pagkatapos mambola nitong bestfriend ko sumeryoso na siya at nagsimula ng magbasa, samantalang ako tulala na parang wala sa sarili.

"Best, okay ka lang?" 

Tumango-tango ako habang humihikab. Halos maluha yong mata ko dahil kada sampung minuto ata humihikab ako.

"Ems, ano kaya kung matulog muna ako dito? Inaantok ako." sabi ko sabay sundot sa pisngi niya gamit yong dulo ng ballpen na hawak ko.

"Magtigil ka nga. May quiz tayo mamaya." 

"Huh?! Totoo?!" 

 Bakit hindi ko alam yon?

 "Oo nga, meron."

"Hindi nga?" paninigurado ko sa kanya.

"Hay, naku best hindi ka na naman nagreview noh?"

Patay! Siguradong isang malaking itlog na naman makukuha ko neto. Umiling-iling ako sa kanya saka humikab ulit. Pano ako magrereview eh nakipag-inuman ang ginawa ko kagabi.

"Pakopyahin mo ako Ems. Ayokong ako na naman ang huling tatawagin pag binigay yong test paper natin."

"Oo na, matitiis ba naman kita." sabi niya sabay tirik ng mata. 

Sa sobrang tuwa ko napayakap tuloy ako sa kanya.

Hindi nga siya nagbibiro dahil pagpasok namin ng klase nagquiz agad kami, walang nagawa si Ems kundi pakopyahin ako. Nasanay na siya sa akin dahil madalas ako talaga ang dumedepende sa kanya sa ganitong bagay. Sabi ko nga nasa kanya na lahat, maganda, matalino at may kaya. Nagpapasalamat lang talaga ako ng sobra dahil naging matalik ko siyang kaibigan kahit wala naman siyang nahihita sa akin.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon