Chapter 82

27.9K 759 46
                                    

Jean Kaye Emerson



"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi."

Boses iyon ni Mom kaya napahinto ako pagbaba ko ng kotse. Nakatayo ito sa labas ng pintuan.

"I'm sorry Mom kung ngayon lang ako. Nakitulog ako sa bahay ng kaibigan ko."

"May sarili kang tahanan pero hindi mo man lang maisip na umuwi. Kasama mo na naman ba ang babaeng iyon?"

"Mira Jane ang pangalan niya, Mom."sabi ko saka ako humalik sa pisngi niya.

"JK, mas pinaglalaanan mo pa ng oras yong ibang tao kesa sa amin ng Dad mo. Kaya kami umuwi rito para makasama ka pero anong ginagawa mo? Lagi kang wala. Laging yong babaeng iyon ang kasama mo."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Andito na ako kaya huwag ng mainit ang ulo mo, Mom. Please?"

Napapailing siya.

"I love you, Mom. Huwag ka ng magalit, please?"

"Jk, hanggang kailan ka ba magkakaganyan anak, ha?"

"I'm sorry, nasanay kasi ako na wala kayo lagi rito. Kaya minsan nakakalimutan kong umuwi."

Tumingin ito sakin na para bang humihingi ng dispensa. Inakbayan ko na lang siya paglapit ko sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit at napayakap rin naman siya sa akin.

"JK anak. Hindi mo ba kayang hiwalayan ang babaeng iyon para sa akin? Di ba mahal mo ako, anak?"

"Mom, eto na naman tayo. Hindi na ako bata. May sarili na akong isip at mahal ko si Mira Jane. Kung ayaw niyo sa kanya wala akong magagawa pero hindi ko siya hihiwalayan at iiwan kahit iyon pa ang gusto niyong mangyari."

"JK, hindi siya nararapat sa iyo anak. Marami pa naman diyang iba. Mas bagay kayo ni Bong at siya ang mas nararapat sa iyo."

"Mom please tama na. Kung gusto niyo pang umuwi ako sa pamamahay na ito pakinggan niyo naman ako. Isa pa, bakit niyo ba ipinipilit sa akin yang Bong na yan. Pag nakikita ko siya nasusuka ako!"napalakas tuloy ang boses ko sa pagsagot.

Halatang naiiyak si Mommy pero wala akong magawa kundi ang talikuran siya at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko paghiga ko dito sa kama saka ako pumikit.

Hindi ko namalayan na sa pagpikit kong iyon ay napahimbing na pala ang tulog ko. Nagising ako nong marinig ko ang buhos ng ulan na tumatama sa salamin ng bintana.

Saglit ko itong pinagmasdan habang nakahiga at yakap itong unan na katabi ko. Pinagsawa ko muna ang mga mata ko sa bawat patak ng ulan saka ako umupo dito sa tabi ng kama. Walang tigil ang ulan at lalo pa itong lumalakas habang tumatagal. Parang na-doble ang lamig dito sa loob ng kwarto ko dahil na rin siguro iyon sa lamig na nanggagaling mula sa labas. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko.

Malapit na pala ang lunch.

Tumayo na ako at nagtungo ng banyo para makapagshower bago pumunta ng dining area. Siguradong magtatawag agad si Mommy pag patak ng twelve-noon.

Naghubad na ako ng suot ko saka ko binuksan ang shower heater pagkatapos non ay tumapat ako sa shower head at naramdaman ko agad ang unang buhos nito, malamig ang tubig hanggang sa unti unti itong uminit. Kitang kita ko ang usok ng tubig na nagmumula sa shower. Tinimpla ko lang ang temperature nito na kakayanin ng balat ko.

Ang sarap magbabad. Isa ito sa mga paborito kong gawin pag nandito ako sa banyo. Ang magbabad habang nagiisip. Totoo yong sinasabi nila na ito yong best place para mag isip dahil walang mang aabala sayo rito.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon